Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Mister, Emosyonal Sa Natuklasang Love Letter Ng Yumaong Asawa

“Thanks for the adventure, now go have a new one.”

A A A

Sa loob ng labinlimang taon, bumuo ng isang masayang pamilya sina Nestor Flores Mangila Jr. at Gladys Mangila kasama ang kanilang dalawang magagandang anak na babae.

Sa kasamaang palad, pumanaw si Gladys nitong Agosto 22, 2020 dahil sa sakit na kanser.

Habang nagluluksa, nadiskobre ni Nestor ang isang nakatagong note sa cellphone ng yumaong asawa na sinulat pa nito noong Disyembre 2019. Ngunit hindi niya nabasa ang nilalaman nito sapagkat naka-lock ang note at hindi nya agad nabuksan.

Dalawang linggo matapos pumanaw si Gladys, nabuksan ni Nestor ang nasabing sulat. At makaraan ang isang linggo, naisipan niya i-share ang mga screenshot nito sa Facebook, kalakip ang sumusunod na mensahi.

“This is very personal but I wanted to share it with all of you. She wrote the note on her iPhone last December 2019. I was able to unlock it a week ago.”

This is the saddest and most beautiful letter/note I’ve received from you. Ayaw tumigil ng luha ko nung mabasa ko ‘to. Akala ko hindi ko mauunlock, Nay! Maraming salamat din sa lahat, someday things will get better, magiging okay din ako — kami.

The link (movie soundtrack — married life) and the quote on the latter part were from one of our favorite movies — Disney Pixar’s “UP”. Just like the movie, the wife died first. We used to watch the movie together with our daughters and lagi nya sinasabi na same sila ni Ellie.

Di man tayo umabot sa “until we’re grey and old” sulit naman yung 15 years natin!

“Thanks for the adventure, now go have a new one”. — Ellie/GladysMae

Narito ang nakakaiyak na sulat ni Gladys para sa asawa.

Sa baba ng sulat, may kalakip itong soundtrack ng kanilang paboritong Disney Movie.

Like Logo on Facebook

Mabilis na nag-viral sa social media ang post ni Nestor. Maraming netizen ang nalungkot at naiyak sa nilalaman ng sulat.

“Thanks for the adventure, now go have a new one.” – Gladys

Sa ngayon umabot na sa mahigit 86,000 ang nag-react sa post ni Nestor. Meron na itong 8,300 comments at mahigit 51,000 shares.

Day 19:This is very personal but wanted to share to all of you. She wrote the note on her iphone last December 2019. I…

Posted by Nestor Flores Mangila Jr. on Wednesday, September 9, 2020

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like