Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Ulirang Ama Pinang-barter Mga Manok Kapalit Ng Cellphone Para sa Online Class ng Mga Anak

Para may magamit na smartphone sa online classes ang kaniyang mga anak, naisipan ni Rommel na ibarter ang tatlo niyang alagang manok.

A A A

Isang ulirang ama mula Naga City ang nakaisip na i-barter ang kanyang mga alagang manok kapalit ng cellphone na gagamitin ng mga anak sa online class.

Dahil sa patuloy na banta ng Covid-19 na hanggang ngayon ay wala pa ring bakuna, pinagbabawal pa rin ang mga physical classes kaya gagamit na lamang ang mga paaralan ng blended learning mode. At isa na nga ang smartphone sa mga kailangan bilhin para sa online class.

Aminado si Rommel Enriquez, 46 anyos, na mahihirapan silang mag-asawa sa gastusin at sa bagong sistema ng online education. Lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Pagbebenta at pag-aalaga ng kuneho ang pinagkakakitaan ni Rommel habang pagtitinda naman ng prutas ang kaniyang misis.

“‘Yung tungkol po sa modular, medyo mahihirapan sila maka catch-up dun kasi ang asawa ko po nagtitinda. Walang maga-assist sa kanila,” ani Rommel.

Para magkaroon ng smartphone ang kaniyang mga anak, naisipan ni Rommel na ibarter ang tatlo niyang alagang manok.

Ipinost ni Rommel sa isang online barter community sa Facebook ang kanyang alok, naging patok ang mga ganitong komunidad sa iba’t ibang sa bansa simula nang nagkaroon ng pandemya.

“Sabi ko nga kahit po second-hand basta magamit lang ng mga anak ko. Kahit isa lang,” ani Rommel.

Mabilis na nagtrending ang post ni Rommel, maraming netizen ang naantig ang puso at ang iba sa mga ito nag-alok ng tulong at gustong magbigay ng cellphone kahit wala na raw kapalit.

“May nag-pledge po na dalawa, within this week daw po. ‘Di ko po inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ng mga nakakita ng post ko,” ani Enriquez.

Apat ang anak ni Rommel na pawang mga lalaki at nasa grade school ngayon. Parehong nasorpresa ang mga ito sa ginawa ng kanilang ama.

Taos pusong nagpapasalamat si Rommel sa mga nagbigay ng tulong sa kanilang pamilya. Marami pa ang nag-alok na magbigay ng cellphone sa kanya ngunit tinanggihan na niya ang mga ito. Mas mabuti raw na ibigay na lang ito sa iba na nangangailangan din ng cellphone, ayon sa butihing ama.

Sapat na aniya ang dalawang smartphone na gagamitin ng kanyang apat na anak.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Higit sa Tawag ng Tungkulin"

Trending

Kahit mahina ang kita, hindi pumasok sa isipan ng pedicab driver na pag-interesan ang laman ng pouch.

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...