Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Pari Nagviral Matapos ‘Barilin’ Ng Bendita Ang mga Maninimba

Para mapatupad ang social distancing, pinagbabaril ni padre ng squirt gun ang mga maninimba.

A A A
  • Isang cool na pari ang gumamit ng baril barilan na de-tubig para magwisik ng bendita
  • Layunin umano ni padre na pagaanin ang sitwasyon at para na rin matupad ang social distancing
  • Marami ang natuwa at karamihan gumawa pa ng meme

Naisipan umano ni Father Timothy Pelc na pagaanin ang sitwasyon ng mga maninimba noong nakaraang Easter, at para na rin mapatupad ang social distancing, sa pamamagitan ng paggamit ng squirt gun o laruang baril barilan na na may lamang bendita para magbigay ng basbas sa mga maninimba.

Paglipas ng isang buwan, si Father Tim na naninilbihan sa St. Ambrose Parish sa Grosse Pointe Park, Michigan, ay nagviral pagkatapos inilabas ng simbahan sa Facebook ang mga litrato ng kaganapan noong kalagitnaan ng Abril.

Natuwa naman ang mga netizen at ginawan pa ng meme si Father Tim tulad nang may kasama siyang mga bumbero na nagbubuga ng tubig para maapula ang nagliliyab na apoy. Meron din nasa unahan siya ng Imperial Stormtroppers. At ang isa naman ay nakatayo siya kasama ang mga cast ng “Pulp Fiction”.

Pero ang pinakapaborito nya raw, ayon kay Father Tim, ay yung meme kung saan pinagbabaril nya ang mga demonyo sa impyerno, hango sa video game na “Doom”.

Ang mga nakakaaliw na meme ay agad nagsulputan sa Twitter at Reddit, na parehong nakakatawa at medyo espirituwal ang dating sa panahon ng coronavirus pandemic.

Ayon pa sa butihing pari, tayo raw ay naghahanap ng kahit anong magliligtas sa atin sa virus man, kalungkutan, o kahit ano.

“We’re looking for something to save us from something — either the virus, loneliness or whatever.” (Naghahanap tayo ng kahit anong magliligtas sa atin sa kahit ano — mapa virus man, kalungkutan, o kahit ano.)

Bago ang Mahal na Araw, pinag-usapan ni Father Tim, ng isang parokyano, at emergency physician ang mga ligtas na paraan para magbigay basbas sa mga Easter basket sa isang simbahan sa Detroit.

Ani Father Tim, pinagbawalan daw sila mamigay ng palmera sa takot na baka magkahawaan ng coronavirus.

“We were told the week before that we couldn’t hand out palms due to cross-contamination.” (Sinabihan na kami ng nakaraang linggo na hindi kami pwede mamigay ng palmera para maiwasan ang magkahawaan.)

Kaya napagdesisyonan raw nila na gumamit ng squirt gun o laruang baril-barilan pero sa halip na tubig ang bala, bendita ang laman nito. Gagawin ito ni Father Tim, suot ang facemask at guwantes, tatayo siya ilang talampakan ang layo sa mga dumadaang kotse at ‘babarilin’ niya ang mga ito ng bendita gamit ang laruan upang mabasbasan ang mga kargang Easter basket.

Ayon sa panayam sa emergency room physician, napagdesisyunan nila na sterile water ang pinakamagandang gamitin. At dalawa raw naisip nila na paraan. Mamigay ng maliliit na plastik na boteng may lamang bendita, ngunit bigla nilang naisip, “Paano kung gumamit tayo ng baril-barilan? Mas nakakatuwa yun at kung gagawin mo yun, pupunta ako kasama buong pamilya ko.”

“We figured sterile water was the way to do it. We were prepared to do it one of two ways: either we would distribute little plastic vials of holy water, but then we thought, ‘What about a squirt gun? That’s fun. If you do that, I’m coming with my family.'” (Naisip namin na sterile water ang kailangan gamitin. At dalawang paraan ang pinaghandandaan namin na gagawin. Mamigay kami ng maliit na plastik na bote na may lamang banal na tubig, ngunit naisip namin, ‘Paano kung squirt gun nalang? Nakakatuwa yun. Kung gagawin mo yan, pupunta ako kasama buong pamilya ko.)

At totoo nga, lumahok ang doktor at ang kanyang pamilya, kasama ang mahigit limampung magsisimba, ayon kay Father Tim.

Bagama’t halos kalahati lamang ang dumalo kumpara sa kadalasang pagtitipon tuwing Easter, karamihan sa pumunta ay mga batang pamilya, kung saan pinaniniwalaan noon na hindi basta basta mahahawaan ng Covid-19.

Habang umaani ng 30,000 hanggang 40,000 ang bilang ng hits nito sa Facebook, inaasahan ni Father Tim na huhupa na ang atensyon. Aniya, kung di ka man lang matutuwa sa pananampalataya mo, saan ka matutuwa?

“If you can’t have fun with your faith, what can you have fun with? The second bounce, maybe they saw the irony of it a little bit more and maybe took it to a deeper level. And even though it’s more fun this time around — these memes are just hysterical, nobody’s enjoying it more than I am — there was a deeper need here.” (Kung hindi ka man lang matutuwa sa pananampalataya mo, saan ka matutuwa? Sa pangalawang [pagkalat ng imahe], siguro nakakita sila ng kaunting panunuya rito kaya siguro dinala nila sa mas malalim na antas. At kahit na mas nakakatuwa ngayon — ang mga meme ay sobrang nakakatawa, wala siguro ibang mas nasiyahan kundi ako — merong mas malalim na pangangailangan dito.)

Sa kabila ng kaliwa’t kanan na atensyon at batikos isang beses lamang gumamit ng laruang baril-barilan si Father Tim ngayon taon.

Ang gusto ipaabot ni Father Tim na mensahi para sa lahat ay hindi mawalan ng pagasa. Aniya, maghanap ng paraan para ang mga bata ay magkaroon ng magandang alala sa kabila ng dinaranas natin ngayon, dahil ang mga bata ay nagmamasid lang kung anong ginagawa natin at kung paano natin dinadala ang sitwasyon.

“Look to create memories for your kids that will be positive in the midst of this, because the kids are watching what we’re doing and how we’re handling this. If we can be strong and positive examples for them, they’ll be able to tell their kids a generation from now, ‘This is how we handle this.'” (Maghanap ng paraan para gumawa ng magagandang alala para sa inyong mga anak sa kabila ng lahat ng ito, sapagkat ang mga bata ay nagmamasid lang kung anong ginagawa natin at kung paano natin dinadala ‘to. Kung tayo ay maging malakas at mabuting halimbawa sa kanila, sasabihin nila sa kanilang mga anak sa susunod na henerasyon, ‘Ganito ginawa namin [noon].’)

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"

Trending

Para may magamit na smartphone sa online classes ang kaniyang mga anak, naisipan ni Rommel na ibarter ang tatlo niyang alagang manok.