Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Sarah Wurtzbach vs Pia Wurtzbach: “Ang Baho Ng Ugali Mo”

“Kapag bibigyan mo ko ng pera hihirit ka ng ‘Grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh.. Tapos ngayon barya nalang.'”

A A A

Pulutan ngayon sa Social Media ang alitan sa pagitan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 31 anyos, at ang kanyang nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach, 28 anyos.

Linggo ng gabi, Oktobre 11, 2020, biglang nag-viral sa social media ang maaanghang na salitang pinakawalan ni Sarah sa Instagram tungkol sa kapatid na si Pia at maging sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Maaanghang ang mga salitang binitawan ni Sarah (left) sa kanyang kapatid na si Pia (right).

Matatandaan na supportive sister si Sarah at sobrang close ang magkapatid na Wurtzbach, ilang beses din nito pinagtanggol ang beauty queen. Kaya laking gulat ng mga netizen sa mga pasabog ni Sarah sa Instagram.

Pia Wurtzbach at mommy Cheryl Alonzo Tyndall

Mainit na panimula ni Sarah:

“Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala.”
“Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan.”
“Magsama kayo ni mama @piawurtzbach.”

Tila hindi na nagpaawat ang mga sumunod nitong pinakawalang salita:

“Nagiisa mong kapatid ayaw mong supportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan.”
“Kung alam lang ng tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama. di porket nananahimik ako ako yung masama.”
“Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga yung naabuso. Tng** nyo @piawurtzbach.”

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang puno’t dulo ng pagwawala sa social media ni Sarah laban sa kanyang sariling kapatid at ina.

Sa mga kasunod na pahayag nito, ibinahagi ni Sarah ang pagkadismaya sa kung paano raw siya tratuhin ng kanyang mga kadugo.

Inamin rin ni Sarah na humingi siya ng tulong pinansiyal mula kay Pia para sa kanyang pamilya, ngunit hindi niya nagustuhan ang sinabi ng beauty queen na “grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh… Tapos ngayon barya nalang.”

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte...