Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Robin Padilla Muntik Na Mapahamak Sa Kanilang Tahanan

“Kung nagkataon na nagpabaya ako… The end sigurado ako, goodbye Philippines!”

A A A
  • Muntik na mapahamak si Robin Padilla sa kanila mismong tahanan
  • Kwento ni Robin, nasira raw ang water pump ng swimming pool nila kaya nag-DIY siya
  • Ang sanhi ng aksidente, napunit na gawad ng kuryente
  • Laking pasalamat ni Robin at napansin nya agad ito bago lumusong sa tubig

Isang maliit na pagkakamali ang muntik na magpahamak kay Robin Padilla sa kanila mismong tahanan. Nangyari ito habang inaayos ni Robin ang kanilang sirang water pump sa swimming pool.

Ikinuwento ni Robin sa isang post sa Instagram kung ano nangyari na muntik na sana nyang ikapahamak. Aniya, laking pasalamat raw niya at hindi pa siya binisita ni Anghel Azrael.

“Kwento ko lang ang umaga ko mga kapanalig. Alhamdulillah hindi pa ako binisita ni angel Azrael.”

Ayon kay Robin, simula nang lockdown sila sila na lamang ang gumagalaw sa kanila bahay. Kahit sa maintenance, hangga’t maaari sinisikap nila itong ayusin. Ayaw nila kumuha ng taga labas para magkumpuni sa takot na mahawaan ng virus ang kanilang mga anak.

“Magmula nong lockdown kami kami na lang ang gumagalaw dito sa Palais de Tres Marias kapag may maintenance problem hanggat kaya ng aming pag intindi dahil last option sa amin ang taga labas malaki ang takot namin na mahawa ang mga bata sa virus covid 19,”

Hindi raw gumagana ang main water pump at filter ng swimming pool nila kaya napilitan siyang gumamit ng submersible water pump upang paikotin ang cycle ng tubig at para maiwasan na maging stagnant ito.

“Nagkadiperensya ang main water pump and filter ng swimming pool namin kaya gumagamit ako ng submersible pump para umikot ang cycle ng tubig at hindi magstagnant ang nasa malalim.

“Araw araw hanggang gabi manual ko lang ginagawa ang paglipat ng pump at pagbuga ng tubig paikot ng swimming pool. Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap.”

Noong tiningnan umano ni Robin ang wire, napansin nya na may hiwa ito at lumabas na ang negative, positive, at ground wire. Kung nagkataon raw na nagpabaya siya at basta nya nalamang nilipat ang pump at sinaksak ang kuryente. Baka napahamak na siya.

”Pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, positive at ground wire. Allah hu akbar, kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at maiplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig…. Yun!!! The end sigurado ako, goodbye Philippines!”

Laking pasalamat ni Robin na ugali na nya ang mag-safety check sa mga wirings bago lumusong sa swimming pool.

“Alhamdulillah naging routine ko ang mag check ng wire bago lumusong sa tubig kasama yun pump kasi yun ang palaging paalala ng aking guardian angel sa isip ko bago matulog at pagkagising na kahit na waterproof at guaranteed safe ang pump always check the wire dahil kuryente at tubig hindi dapat biruin.”

“Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar, nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan, paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah,” dagdag pa ni Robin.”

Naglahad naman ng pagkabahala ang mga fans ni Robin kaugnay sa nangyaring aksidente.

View this post on Instagram

Bismillah Kwento ko lang ang umaga ko mga kapanalig Alhamdulillah hindi pa ako binisita ni angel Azrael. Magmula nong lockdown kami kami na lang ang gumgalaw dito sa palais de tres marias kapag May maintenance problem hanggat kaya ng aming pagintindi dahil last option sa amin ang taga labas malaki ang takot namin na mahawa ang mga bata sa virus covid 19. Nagkadiperensya ang main water pump and filter ng swimming pool namin kaya gumagamit ako ng submersible pump para umikot ang cycle nang tubig at hindi magstagnant ang nasa malalim. Araw araw hanggang gabi manual ko lang ginagawa ang paglipat ng pump at pagbuga ng tubig paikot ng swimming pool. Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap, pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, postive at ground wire Allah hu akbar kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at maiplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig…. Yun!!! the end sigurado ako goodbye Philippines! Alhamdulillah naging routine ko ang mag check ng wire bago lumusong sa tubig kasama yun pump kasi yun ang palaging paalala ng aking guardian angel sa isip ko bago matulog at pagkagising na kahit na waterproof at guaranteed safe ang pump always check the wire dahil kuryente at tubig hindi dapat biruin. Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan Paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

Sinorpresa rin ni Ivana sa nasabing video ang kapatid na lalaki na binilhan niya ng lupa.

Entertainment

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko ni Bugoy Cariño ang litrato ng kanilang anak ni EJ Laure.

Entertainment

"Pag wala ka ng pera, wala na rin silang paggalang sayo..."