Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Lifestyle

Ano ang Remedyo para pumuti ang maitim na kilikili, singit, siko at tuhod?

Alamin kung paano solusyonan ang problemang ito at para madagdagan ang kompiyansa sa sarili.

A A A

Madalas ka bang nagsusuot ng mga damit na may mahabang manggas at laging nakapantalon upang itago ang nakakahiyang maitim na kilikili, siko, at tuhod? Nahihiya ka bang magsuot ng bikini at kahit sa boyfriend mo dahil sa sobrang itim na singit? Alamin kung paano solusyonan ang problemang ito at para madagdagan ang kompiyansa sa sarili.

Ayon sa isang ekspertong dermatologist na si Dra. Jean Marquez, isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagiging maitim ang kilili ay dahil sa ginagamit na deodorant na kadalasan ay mataas ang alcohol content.

Isa din umano sa dahilan ang madalas na pag-ahit ng buhok dito na kadalasan ay sanhi para magkaroon ng iritasyon sa balat at minsan pangangati.

Malimit naman na dahilan ng pangingitim ng siko ay ang madalas na pagkiskis ng siko sa mesa o kapag lagi mo itong ginagamit sa pagtukod. Samantala, ang madalas na pagluhod, paglalakad gamit ng tuhod, at pagapang ang kadalasang sanhi ng pangingitim ng tuhod.

Taliwas sa paniniwala ng karamihan na nakakatulong ang body at beauty scrub para pumuti ang isang parte ng katawan. Kalimitan raw ay kabaliktaran ang epekto nito, lalo na kung matapang ang ginamit na sangkap na kemikal at hindi nilalagyan ng moisturizer pagkatapos.

Ano ang solusyon sa problema sa pangingitim ng balat sa nabanggit na bahagi ng katawan? Malalaman ito sa susunod na video.

Like Logo on Facebook

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like