Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Sale ng Sapatos Dinagsa Ngunit Pinatigil Dahil Walang Social Distancing

A A A
  • Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City
  • Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang mga mamimili at hindi nasunod ang social distancing
  • Dahil sa paglabag sa Covid-19 protocols, pansamantalang pinatigil ng mall ang nasabing promo

Isa sa mga inaabangan ng mga pinoy taon taon ay ang mga super sale o bagsak presyo. Titiisin ng karamihan ang makipagsiksikan at napakahabang pila para lang mabili ang mga gusto nila sa murang halaga.

Sino ba ang mag-aakala na kahit may pandemiya, wala talagang makakapigil sa mga Pinoy na pumunta sa isang sale. Tulad ng nangyari kahapon sa Cagayan de Oro, kung saan bagsak-presyo ang mga sapatos sa isang mall.

Dinagsa ng napakaraming tao ang pinakamalaking mall ng Cagayan de Oro City, ang Limketkai Mall. Matapos itong magkaroon ng malawakang bagsak-presyo mula Agosto 15-21.

Karamihan sa mga mamimili ay desperadong pumila sa atrium para makabili ng mga branded na sapatos tulad ng Nike, Adidas, at New Balance na umabot raw sa 80% ang ibinagsak ng presyo.

Mabilis na nagviral sa Facebook ang mga larawan ng nasabing kaganapan kung saan kapansin-pansin na hindi nasunod ang social distancing na mahigpit ngayong pinapatupad ng pamahalaan para mahiwasan ang hawaan ng mapanganib na coronavirus.

Kitang kita na matiyaga at nagtitiis na pumila ang karamihan sa mamimili dahil limitado lamang ang pwedeng pumasok sa loob ng tindahan ng sapatos.

Umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen ang mga nasabing larawan. Kung saan karamihan ay nangamba na baka ito ang maging dahilan para mas lalong kumalat ang virus.

“Anu ba yan! Tumataas na nga ang bilang ng covid tapos makikita mo ung ganito siksikan anu ba talaga? Ang mga tao na eto parang minamaliit lang ang kakayahan ni covid kaya sige lang magmatigas lang kayo tapos puro sisi sa gobyerno. hintayin nyo talaga kung ang panahon na ang makipagbiro sa inyo. kawawa ang mga frontliners tlaga. God bless nalang sa mga taong nag iingat.”

“Consumers should also be responsible people. Just because may sale go na agad? what is a few hundreds of pesos na matitipid kung covid naman ang kapalit? Is it a wise decision?🤔”

“That’s why dapat talaga close muna ang mga malls. Hindi naman natin need ng mga bagong shoes etc. Grocery store lang dapat ng malls ang open muna. Dami kasi matitigas ang ulo. Buti sana kung marunong sila dumistansya no!” ayon sa isang netizen.

Kinutya naman ng iba na nagrereklamo raw ang mga pinoy na dagdag gastos lang na ni-require ng gobyero ang pagsusuot face shield. Ngunit pagdating sa sapatos, balewala ang presyo at nakalimutan na ang panganib na dulot ng Covid-19.

Mabilis naman umaksiyon ang pamunuan ng mall. Pansamantala nilang pinatigil ang nasabing sale. Nagbigay din ng pahayag sa social media ang Limketkai Center.

“Due to the unexpected number of shoppers of The Warehouse Clearance Sale, some safety health protocols were not observed. Please be advised that our management have temporarily stopped the said activity at the Atrium which was thereafter seconded and approved by the City government.

Our management will still meet with them. Please wait for further update for their sale.

Rest assured that Limketkai Mall is one with the government in their campaign in fighting the spread of COVID-19.”

Binatikos naman ng ibang netizen ang tindahan ng sapatos at ang mismong mall dahil pinayagan ng mga ito ang pagkakaroon ng sale sa kabila ng banta ng Covid-19. Kitang kita umano ang kawalan ng maayos na preparasyon para maipatupad ng matiwasay ang nasabing kaganapan alinsunod sa health protocols ng gobyerno.

“Irresponsible store owner give them a penalty and put in jail… can you imagine nakuha pang magsale sa panahon na crisis and pandemic na reason kung bakit may quarantine.. at ano ginawa ng admin sa mall pumayag..? e di wow sknila.. napakainsensitive ng mga tao.. at pati na din mga namimili.. umiiyak dahil walang trabaho or wala ng makain dahil lockdown nagkasale lang lumabas mga pera.. e di wow talaga sa inyo…”

Ayon sa pinakahuling tala ng Cagayan de Oro city noong Agosto 13, umabot na sa 194 katao ang nagpositibo sa Covid-19.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"

Trending

Para may magamit na smartphone sa online classes ang kaniyang mga anak, naisipan ni Rommel na ibarter ang tatlo niyang alagang manok.