Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Misteryosong ‘Plane Debris’ Natagpuan sa Mercedes, Eastern Samar

Palaisipan sa mga residente kung saan galing ang mga ‘plane debris’.

A A A

Isang malaking palaisipan sa ilang residente sa Mercedes, Eastern Samar ang natagpuan nilang mga ‘plane debris’ na napadpad sa dalampasigan ng Anuron beach ng nasabing lugar.

Ayun sa ating Joscooper na si Juvimar Lira, namataan nila ang mga ‘plane debris’ nitong Agosto 4. Sa unang tingin, hinala agad nila na ang mga nadagsang bagay ay ‘plane debris’ o pira-pirasong bahagi ng eroplanong nawasak pagkatapos bumagsak.

Batay sa mga larawang kuha ni Juvimar, makikita ang ilang nakasulat na litrang intsik sa ilang bahagi ng debris.

Wala pang opisyal na impormasyon kung saan galing ang mga ‘plane debris’ o kung parte ba talaga ito ng isang eroplanong bumagsak.

Usap usapan ngayon sa internet ang mga nasabing larawan at ayon sa ilang netizen. Unang tingin ay mapagkamalan mo talaga itong parte ng nawasak na eroplano, ngunit posible umano na bahagi ito ng isang rocket.

Ayon naman sa ibang netizen, baka bahagi raw ito ng Kuaizhou-11 (KZ-11) rocket ng China na nabigo sa paglipad at bumagsak sa karagatang Pasipiko mga ilang linggo na ang nakaraan. Lumipad ang nasabing rocket mula Jiuquan Satellite Launch Center sa China, at may karga itong dalawang satellite. Nagkaroon umano ng problema sa kalagitnaan ng paglalakbay na naging sanhi para bumagsak ito sa Karagatang Pasipiko. At possibleng raw napadpad ng alon ang ilang parte ng rocket sa Mercedes, Eastern Samar.

Marami naman sa mga netizen ang naniniwala na ‘plane debris’ ito. Hinala pa ng iba, baka parte raw ito ng nawawala noon na Malaysia Airlines Flight MH370.

Sa ngayon, wala pang katiyakan kung saan galing ang mga sirang sirang bagay na napadpad sa dalampasigan.

Ang Mercedes ay isang fifth-class na munisipalidad sa probinsya ng Eastern Samar, ayon sa 2015 census, ito ay may populasyon na humigit kulang sa 6,000 katao.

Ang bayan ay matatagpuan sa rehiyon ng Eastern Visayas, nakaharap ito sa Philippine Sea na bahagi na ng Pacific Ocean.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Kahit mahina ang kita, hindi pumasok sa isipan ng pedicab driver na pag-interesan ang laman ng pouch.

Trending

Hindi lubos akalain ng isang lalaki na ang napulot niyang bagay sa dalampasigan ay nagkakahalaga pala ng P25 milyon!