Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

Pinakamahal na Facemask Sa Mundo, Nagkakahalagang P73 Milyon

Gawa sa 18 carat na ginto at mayroon itong 3,600 na brilyante

A A A

Likhang sining umano at hindi pagpapasikat ang motibo sa likod ng pinakamahal na Covid-19 mask sa buong mundo, saad ng Israeli jewellers na gumawa sa $1.5 milyon na bagay (tumataginting na Php73 milyon) para sa hindi pinangalanang kliyente na taga-US.

Gawa sa 18 carat na ginto at mayroong 3,600 puti at itim na brilyante ang nasabing mask na lalagyan ng N99 filter para may mataas na antas na proteksyon, ayon kay Isaac Levy ang may-ari ng Yvel jewellery brand.

“I don’t think (the customer is) going to use it going to the supermarket but he is going to use it here and there, I’m sure.”

(“Sa tingin ko hindi ito gagamitin ng customer para magpunta sa supermarket pero sigurado ako gagamitin niya ito, paroon at parito,” ani Levy.)

Hindi bababa sa 25 na artesano ang magtulong tulong para gawin ang facemask na sa paningin ng iba ay isang masagwa na pagpapakita ng karangyaan sa panahon ng kagipitan, ngunit para kay Levy isa lamang itong likhang sining.

Ayon sa ulat ng Reuters, inilarawan ni Levy ang kanyang kliyente na isang Chinese art collector at kasalukuyang naninirahan sa United States.

“He is a young-old customer of ours, very charming, very outgoing, very wealthy and he likes to stand out.”

(“Siya ay bata at matagal na naming kustomer, kahanga-hanga, palakaibigan, napakayaman at gusto niya namumukod-tangi siya,” ayon kay Levy)

Layunin ng alahero na personal niya i-deliver ang nasabing mask kapag nakompleto na ito sa Oktobre.

“For a lot of people around the world it may be the most expensive mask in the world and maybe that’s a really big thing.”

(“Para sa karamihang tao sa mundo ito na yata ang pinakamahal na mask sa buong mundo at siguro napakalaging bagay nito,” pahayag ni Levy)

“For us, it’s a way to protect the positions of the people in the factory in order for them to be able to support their families.”

(“Para sa amin, isang paraan to para protektahan ang mga posisyon ng tao sa pabrika sa ganun maitaguyod nila kanilang pamilya,” dagdag ni Levy)

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Videos

"Masyado na silang abusado sa mga mahihirap na kagaya namin," emosyonal na sabi ng ginang.

News

Nababahala ang isang environmental group dahil sa nakakaalarmang biglang pagdami ng basurang surgical mask.