Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

News

Pilipinas Pinakahuli sa Listahan ng mga Ligtas na Bansa sa Coronavirus Pandemic

Hindi raw safe ang mga tao sa pinas at maituturing na pinaka delikadong bansa ngayon sa Asia Pacific

A A A
  • Panghuli ang pinas sa listahan ng mga bansa sa Asia Pacific na ligtas sa Covid-19
  • Ika-dalawampu ang Pilipinas sa listahan.
  • Ibig sabihin ang pinas ay isa sa mga pinaka delikadong bansa ngayong pandemic.

Panghuli ang pilipinas sa listahan ng mga bansa sa Asia Pacific na maituturing ligtas sa kasalukuyang coronavirus pandemic. Batay ito sa pagsusuri ng isang venture capital firm na nakabase sa Hong Kong.

Ang Deep Knowledge Ventures, isang kompanya na naka-focus sa teknolohiyang may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan at kahabaan ng buhay, ay naglabas ng ranking ng dalawampung (20) bansa sa Asia Pacific batay sa nga sumusunod na pamantayan:

  • Pinakamababang posibilidad ng infection
  • Pinakamababang tsansa ng pagkamatay
  • Pinakamataas na tsansang makarekober base sa husay ng pangangasiwa sa quarantine at pamahalaan
  • Pagsubaybay at pagdetekt
  • Kahandaan sa emergency na paggamot

Batay sa mga nasabing criteria, ang Pilipinas ay pang dalawampu sa listahan, na tinalo pa ng Indonesia (19th) at Bangladesh (18th), na ang ibig sabihin ay hindi safe ang mga tao sa pinas at maituturing na pinaka delikadong bansa ngayon sa Asia Pacific.

Ayun sa panayam ng Nikkei Asian Review, sinabi ni Dmitry Kaminskiy, tagapagtatag ng DKV, na ang mga nasabing bansa ay maaaring makaranas ng negatibong kaganapan sa mga susunod na mga linggo. Inilahad pa niya ang pagkadismaya sa “hindi maayos na pamamahala ng gobyerno” sa Pilipinas.

Nanguna sa listahan at may pinakamataas na mga marka sa kaligtasan sa rehiyon ng Asia Pacific ang South Korea (1st), sinundan ng Australia, China, New Zealand, at Taiwan.

Nasa gitna naman ang Vietnam, Thailand, Malaysia, at India.

Sa hiwalay na panayam kay Margarette Colangelo, ang co-founder ng Deep Knowledge Group, aniya ang ranking sa Asia Pacific ay gumamit ng modified version ng kanilang Covid-19 Countries Safety and Risk Ranking Framework. Kung saan ito ay eksakto sa mga detalye sa rehiyon.

Mula noong Martes, Abril 14, ang Pilipinas ang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa buong Southeast Asia na umabot sa 5,223 kumpirmadong kaso at 335 na ang namatay. Pumapangalawa naman ang Malaysia na mayroong 4,897 na kaso at 82 na ang namatay, at ang Indonesia naman ay pangatlo na may 4,839 na kaso at 459 na namatay.

Samantala, sa global naman na ranking ng DKV ng pinaka ligtas na bansa nitong coronavirus pandemic, nangunguna ang Israel sa pinakataas. Sinundan ito ng Germany, South Korea, Australia, China, New Zealand, Taiwan, Singapore, Japan, at Hong Kong.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"