Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

News

PhilHealth Executive, Mala-‘Nightclub’ Ang Birthday Party Kahit Oras ng Trabaho

May babaeng sumasayaw na halos walang saplot sa harap ng exec, sa mismong opisina at sa gitna pa ng oras ng trabaho.

A A A

Hindi mapigilan ng mga netizen na hindi madismaya matapos inilantad ni Senador Richard Gordon ang isang video ng birthday party ng isang executive ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ipinakita ni Sen. Gordon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang isang video kung saan makikita si PhilHealth Regional Vice President ng Region 4-B, Paolo Johann Perez na nagdiwang ng kanyang kaarawan sa mismong loob ng tanggapan at sa oras pa mismo ng trabaho.

Pero ang mas nakakagulat, may babae pang sumasayaw na halos walang saplot sa harap ni Perez.

Isa si Perez sa mga tinaguriang miyembro ng PhilHealth “mafia”..

Makikita sa video na nakatanggap si Perez ng isang malaking box bilang regalo sa kaniyang kaarawan. Lumabas mula sa box ang isang babae na tanging panloob lamang ang suot at nag-umpisa agad itong sumayaw ng malaswa sa harap ni Perez na halatang tuwang tuwa naman sa kanyang nakikita.

“On his birthday, Perez received a gift, an enormous box, in his office. A girl, dressed in nothing but her underwear, danced and gyrated provocatively in front of Perez…

Perez enjoyed the performance and was seen smiling in the video. He did not prevent the incident, or report and issue any reprimand to the employees who brought the girl,” ayon sa committee report.

Ang nasabing video ay pinakita ni committee chair Sen. Richard Gordon sa isang online press conference bilang bahagi ng imbestigasyon. Batay sa committe report, nag-enjoy pa umano si Perez sa performance ng babae at makikita itong nakangiti sa video.

Kitang kita na hindi man lang pinigilan ni Perez ang babae sa ginagawa nito, kahit aminado siya na labag ito sa ethics ng mga opisyal ng gobyerno. Hindi rin niya pinareport para mabigyan ng kaukulang parusa ang kanyang empleyado na nagdala sa babae.

Bukod pa rito, nangyari din umano ito sa oras ng trabaho at sa mismong opisina pa ng PhilHealth. Makikita rin sa video na nakapaligid ang ibang staff na nagsisigawan at naghihiyawan na parang nasa night club.

Ipinaliwanag naman ni Perez na sorpresa lang raw ang birthday party at aniya wala raw hubad na mananayaw, tanging performer lang ang sumayaw sa harap niya. Inimbitahan lang raw siya ng mga empleyado para kumain bago pa man magsimula ang dirty dancing.

Matatandaan na iniimbestigahan ngayon ang PhilHealth matapos sabihin ng dati nilang anti-fraud officer na si Thorrsson Montes Keith na may mga nagbulsa umano ng mahigit P15-Bilyon na pondo ng nasabing ahensya.

At ayon sa senate panel report, isa nga si Perez sa walong opisyal ng Philhealth na sangkot sa anomalya.

Nangako naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sisiguruhin niya na mananagot ang mga taong nasa likod ng korapsyon sa PhilHealth.

“Huwag kayong magkakamali, itong PhilHealth. Sabi ko, yayariin ko kayo. Maniwala kayo. Yung mga inosente naman wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” ani Duterte.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like