Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Huli Cam

Perang pambili ng gamot ng Rider, Inagaw raw ng nakasagiang Chinese

A A A

Hulicam ang isang girian sa kalsada sa Paranaque City kung saan kinuha raw ng isang aroganteng Chinese ang pera ng nakasagiang motorcycle rider.

Ayon sa rider na si Jaime Ner Cabilao, pambili sana niya ng gamot ang perang kinuha sa kaniya. Naghahanap daw siya ng botika kasama ang pinsan nang maganap ang insidente.

“Nasagi siya ng konti, sa side mirror. Kung tutuusin puwedeng punasan lang iyon ng damit, matatanggal din iyon. Biglang lumakas boses niya,” ani Jaime na ang tinutukoy ay ang Chinese na nagmamaneho ng nakasagiang sasakyan.

Una raw ay lisensiya ang hinihingi ng driver kay Jaime. Ngunit kalaunan ay nanghihingi na raw ito ng pambayad sa napinsalang parte ng kaniyang sasakyan.

Nang binuklat daw ni Jaime ang kaniyang wallet para kunin ang ORCR, biglang hinablot ng driver ang kaniyang pera at maging ang bag ng kaniyang pinsan.

Doon na raw kinuha ni Jaime ang kaniyang smartphone para kunan ng video ang insidente.

Like Logo on Facebook

Aabot sa P2,600 at ilang pirasong dolyar ang laman ng wallet ni Jaime na nakuha raw ng lalaki. Ani Jaime, gagamitin sana nila ang pera para pambili ng gamot sa kapatid niyang kapapanganak pa lamang.

Ayon kay Jaime, nanliit siya sa kaniyang naranasan. “Iniisip namin inaapakan na lang kami gawa ng konti lang kaalaman namin sa batas,” aniya.

Tanging ang lisensiya lang ni Jaime ang naibalik sa kaniya. Ipina-blotter na ni Jaime sa Paranaque Police ang pangyayari.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like