Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Pari na Nagdaos ng Misa Kahit Lubog Sa Baha Ang Simbahan, Umani ng Papuri

Ang mga dumalo sa misa ay nakasakay sa kanya kanyang bangka!

A A A
  • Isang pari sa Bulacan ang hinangaan pagkatapos nito magmisa kahit lubog sa baha ang simbahan
  • Ang mga dumalo sa misa ay nakasakay sa mga bangka
  • Sumaludo ang mga netizens sa dedikasyon ng pari

Viral sa social media ang ginawang pagmimisa ng isang pari sa Sitio Pariahan sa Bulakan, Bulacan kahit lubog sa baha ang simbahan dulot ng high tide sa oras na yun.

Ipinakita ni Fr. Mon R. Garcia III ang mga larawan ng pagdaraos ng misa bilang pagdiriwang ng kapistahan ng patron nilang si Santa Cruz. Makikita sa larawan na sa sobrang taas ng high tide, nakalubog na ang altar kung saan nakatayo ang pari habang sakay naman sa kanya kanyang bangka ang mga dumalo sa misa.

Kwento ng isang netizen, nakabisita na raw siya sa lugar na iyon at totoo nga na tuwing summer, lumulubog talaga sa tubig ang lugar lalo na kapag high tide. Gayunpaman, hindi raw iton hadlang sa pananampalataya ng mga tao doon. Mababait at maayos raw makitungo ang mga residente sa lugar, aniya.

Marami ang humanga at nagpasalamat kay Fr. Mon dahil hindi nagpapigil ang pari, itinuloy pa rin nito ang pagdaraos ng misa kahit hindi nakiayon ang pagkakataon.

“Fr. Mon, saludo po ako sa dedikasyon ninyong maglingkod. Kayo po ang nagpapakita sa amin ng pagiging pastol. Mabuhay po kayo. Kasama po kayo sa aking ipinagdarasal.” Komento ng isang E. Santos.

“Sa kabila ng lahat ay naidaos ang kapistahan sa tulong ng lahat ng naroroon at dahil sa sipag at tiyaga ni Fr. Mon. Pagpalain po kayo, Fr. Mon, sa lahat ng inyong sakripisyo,” ayon naman kay N. Ramirez.

“Walang anumang kondisyon ang makapipigil sa ating pananampalataya sa Diyos,” sabi ni D. Bernardo.

“Nawa ay patuloy po kayo biyayaan ng malakas na pangangatawan father, upang maipagpatuloy ninyo ang paglilingkod,” hiling naman ni Rox L.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Pahirapan ang naging rescue operation subalit matagumpay ito at ligtas na naibaba ang mga baka.

Trending

Para mapatupad ang social distancing, pinagbabaril ni padre ng squirt gun ang mga maninimba.