Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Pagdura Sa Package ng Lazada Delivery Nabisto Sa CCTV

Sinadyang pinamunas muna sa mukha ang package bago duraan.

A A A

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng dalawang delivery boy ng Lazada. Kuha umano ito ng CCTV kung saan kitang kita na dinuraan ng isang delivery boy ang package na kanilang idedeliver sa gate ng isang bahay.

Ayon sa viral na post, madalas umano tumanggap ng delivery mula sa Lazada at Shopee ang biktima na nakatira sa Ayala Alabang Village (AAV) kaya may nakalaan na itong drop off area at sanitation table sa kanilang garahe.

Base sa CCTV footage, dumating ang dalawang delivery boy ng Lazada upang magdeliver ng package. Pareho may suot na facemask ang mga ito, ngunit nakasabit lamang sa kanilang baba. Nabisto sa CCTV kung paano sinadyang pinamunas ng isang delivery boy ang package sa kaniyang mukha bago ito dinuraan.

Sinadyang pinamunas muna sa mukha ang package bago duraan.

Paalala ng nagpost sa mga mahilig mag-order sa mga online sites tulad ng Lazada at Shopee. Mag-ingat sa inyong mga deliveries, ito ang dahilan kaya dapat i-sanitize maigi at paulit-ulit ang inyong matatanggap na mga deliveries. Dahil nagkalat ngayon ang mga masasamang tao na may intensiyong ipahamak ang kanilang kapwa.

Ayon sa nagpost:

This is an actual photo of Lazada Delivery in AAV ..
Let’s continue to be vigilant. This CCTV footage was taken at the house of our friend in AAV only today. They often have Lazada and Shopee deliveries so they already setup a drop off / sanitation table in their garage. The CCTV footage shows 2 Lazada delivery guys with masks on their chin and one of them rubbed his face on the package then spat on it. PLEASE PLEASE be careful with your deliveries. Sanitize and sanitize again!

Umamin naman si delivery boy pero nagpalusot pa ito.

Ayon kay delivery boy, siya nga yung nasa CCTV pero hindi umano niya pinunas o dinuraan ang package. Matagal umano sila naghintay dahil nakakapanghina maghintay sa mga mayayamang customer na pagbuksan sila. Kaya napaupo siya at dinikit lang umano niya ang package sa mukha partikular sa bibig.

Ngunit, hindi sang-ayon dito ang mga netizen. Ayon sa ilang comments:

Mali ka pa rin, Justine Rainer (ung umamin sa pic).. 😑 Di isyu ang pagiging rich and poor dito pero kung papano ka maging propesyonal sa hanapbuhay regardless kung anung ugali ng kliyente sa yo.. Sa hinahaba haba ng litanya mo lalo lang magagalit tao sa yo.. Payong kaibigan lang..

Bakit hindi maayos ang pagsusuot mo ng facemask? At bakit kailangan mo pa talaga idikit sa bunganga mo yung package? Mali ka pa rin dahil hindi ka professional sa trabaho mo, hindi mo ginagawa ng maayos ang trabaho mo. Nasa gitna tayo ng pandemic, for sure may binibigay sa inyo na protocol sa Lazada. Kung hindi ka natrain ni Lazada, kasalanan pala ito ni Lazada.

Meron din pinabulaanan ang pahayag ni delivery boy na naghintay umano ito ng matagal. Ayon sa isang comment, base sa timestamp ng CCTV, anim na minuto lang sila naghintay.

Why the need to lie that you’ve waited a very long time? When it took just around 6 minutes to wait.

(Bakit kailangan mo pa magsinungaling na naghintay ka ng sobrang tagal? Eh nasa 6 minutes ka lang naman naghintay.)

It’s a dramatic post, at best, by the delivery person. Regardless, there are plenty of ways to not do what he did. No need to hide behind the comfort of the “mahirap lang kami” narrative.

(Madrama ang post ng taga-deliver. Kung tutuusin, maraming paraan na hindi niya gawin yung ginawa niya. Hindi na kailangan magtago sa likod ng “mahirap lang kami” na palusot.)

Never use poverty as an excuse to do things right. If you have issue with work, raise it with your employers. Its not about who is rich and who are not.

(Huwag kailanman gamitin ang kahirapan bilang dahilan para gawin ang tama. Kung may problema ka sa trabaho, ipaalam mo ito sa boss mo. Hindi ito tungkol sa kung sino mayaman at sino ang hindi.)

It’s not about rich vs. poor specially during a pandemic! He’s just using his economic situation as a defense. Furthermore, the neighbor who experienced this unfortunate incident showed clips of their CCTV footage with time stamps. The delivery guys waited for less than 6 minutes. He was not using it to block the sun. The sun was not hitting them directly due to the orientation of the house vs. time of commission. He was not wearing his mask properly and not wearing his face shield at all. They could have stayed in the delivery vehicle instead of lounging outside the gate. A direct and simple apology would have sufficed. He didn’t need to stir pity into the equation and add the 30 minutes lie. The neighbor he referred to was actually nice and never said anything about spitting. They just said to beware and sanitize our packages.

(Hindi ito tungkol sa mayaman at mahirap lalo na sa kalagitnaan ng pandemic! Ginagamit niya lang ang katayuan sa buhay bilang depensa. At saka, ang kapitbahay na nakaranas sa nakakapanlumong insidente ay nagpakita ng clips ng CCTV footage na may kasamang time stamps. Ang mga delivery boy ay naghintay lamang ng hindi aabot sa 6 minutes. Hindi niya ito ginamit para ipangharang sa araw. Hindi rin direkta tumatama sa kanila ang araw dahil sa posisyon ng bahay sa mga oras na iyon. Pwede naman sila maghintay sa kanilang sasakyan sa halip na tumambay sa labas ng gate. Sapat na sana ang isang direkta at simpleng paumanhin. Hindi na kailangan magmukhang kinakawawa at magdagdag ng 30 minutes na kasinungalingan. Ang nasabing kapitbahay umano ay mabait at wala naman sinabi tungkol sa pagdudura. Nagbigay lang ng paalala na maging maingat at isanitize ang mga packages.)

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like