Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

VIRAL: Paalala Ng Isang Babae Matapos Sundan Ng lalaking Tila may Masamang Balak

H’wag mo na isipin na baka isipin ng iba na assumera ka. If you feel uneasy, just report it right away!

A A A

Kinuwento ng isang babae sa kanyang Facebook post ang nakakatakot na karanasan niya sa SM City Dasmarinas kung saan napansin niya ang isang hindi kilalang lalaki na sumusunod sa kanya.

Ayon kay Maria Desiree Dela Cruz, nangyari ang insidente nitong Oktobre 3. Pumunta umano siya sa SM at habang nakapila sa entrance ng mall, biglang may lumapit na isang lalaki at nagtanong sa kanya tungkol sa kanyang Quarantine Pass.

Nasa loob na siya ng mall ng maramdaman niya na tila may sumusunod sa kanya. Kakaiba raw ang kutob niya at habang nakapila sa ATM napansin niya yung lalaki na nakatingin sa kanya habang umaarte ito na nagpupulbo sa isang estante.

Nakumpirma niya na sinusundan nga siya ng lalaki dahil sinubukan niya raw pumunta sa kung saan saang stall at shop ng SM City Dasmarinas para iligaw ito. Ngunit laking gulat niya ng bigla na naman sumulpot yung lalaki habang nakapila sya sa isang kainan at umupo pa ito sa katabing mesa.

Dahil nga sa kakaibang kutob, tinawag niya ang isang staff at nagkunwaring makikikonek sa WiFi habang pinapakita ang isang note sa kanyang cellphone na humihingi siya ng saklolo.

Inabangan pa raw si Desiree ng lalaki habang palabas siya ng mall, nagtatago ito sa malaking poste habang nagmamasid sa kanya, kaya nagstay siya malapit sa guard ng mall entrance.

Sinubukan pa umano ng lalaki na lumapit sa kanya ngunit dahil nga katabi niya ang guard, dismayado itong lumabas. Habang nasa labas, inaabangan pa raw siya nito na tila may masamang balak. Kaya nagpasundo siya sa mama niya.

Tinanong raw siya ng guard kung bakit di niya agad sinabi. Ani Desiree, karamihan sa mga babae tulad niya nagdadalawang isip magsumbong kahit hinaharass na dahil sila pa ang sinasabihan na maarte, feelingera at assumera.

GIRLS WHO LOOK VULNERABLE LIKE ME, INGAT ALWAYS. ALSO, I LEARNED SOMETHING TODAY NA KAPAG MAY NAPANSIN KA NA SUMUSUNOD SA’YO, REPORT IT AGAD. H’WAG MO NA ISIPIN NA BAKA ISIPIN NG IBA NA ASSUMERA KA. IF YOU FEEL UNEASY, JUST REPORT IT RIGHT AWAY!

The incident happened today. I went to SMD to buy some stuff. Pag pila ko sa entrance, there’s this guy na kinausap ako bigla asking something about my QPass, kung ano raw municipality ko. Me, na nice naman when someone’s asking, I answered him “Dasma po.” And then I just went straight sa entrance, I never talked to him again.

Pag pasok ko There’s this strange feeling na parang may nasunod sa’kin. Punta sana ako sa BDO to withdraw then I decided not to dahil mahaba ang pila. Checking again, kung may nasunod I held my phone as if I’m taking a selfie just to check. Wala naman ako napansin but then ang strange talaga ng feeling but I decided to go sa BDO ATM sa may Department store, doon ako pumila to withdraw, dito na ako naka sense ng something na baka nga totoo na sinusundan ako.

Nung 2nd na ako sa pila, nakita ko si kuya nakatingin sa’kin pero umaarte na lang siya na nag pupulbo sa may stante ng sa duplicate ata ng susian. Ewan ko kung anong stall yun, see picture na lang. Tapos nung tapos na ako mag withdraw, kabado bente lola niyo. Nagpunta ako department store para lang iligaw si kuya if ever man na sumusunod siya sa’kin. Sa tingin ko naman naging successful ako that time or baka mali ako ng akala, at ako lang ang di nakasunod ng bantay sa kaniya. Marami akong dinaanan. Department store – National Bookstore – Bench – Watson’s – The face shop – Supermarket – Pet Express na halos nawala na sa isip ko na may sumusunod pala sa’kin.

Paano ko naconfirm? Etoh, nagutom ang lola niyo so nagpunta ako burger king para kumain. Maya maya nagulat ako kasi biglang noong nakapila na ako sumulpot si kuya tapos kinakausap niya iyong staff. Edi umorder na ako. Tapos hinintay ko na lang order ko, nag dine in ako as usual. Tapos nagulat ako, akala ko wala na si kuya, tapos oorder din pala siya tapos nag dine in din siya. So ako pumili ako ng table ko. Nakain na ako matiwasay pero may onting kaba, maya maya tumabi ng table si kuya sa’kin. Onti lang inorder niya. Ako mabagal ako kumain. Inoobserve ko kung aalis na ba siya or what. Sinasadya ko tagalan.

Tapos iba na talaga feeling ko. Nag tawag ako ng staff, sabi ko sa staff “kuya, pwede po ba ako maki Wi-Fi sa inyo?” Sabay pinakita ko sa kaniya iyong note ko na nag iinform sa kaniya na I feel uneasy and might be in danger.

Sabi ng staff “lipat na lang po kayo table ma’am.” Ako na hindi satisfied sa ganoong way, I told the staff na “kuya, pwede ko ba itong e take out?” Referring to my sundae. Habang nanginginig na ako sa takot. Sabi naman ng staff okay so he immediately went to the counter para kumuha ng takip ng cup.

So I was already fixing my things ng biglang yung stalker eh nag aayos na rin ng gamit tapos tumayo na rin siya. Nakatingin ako sa staff, titigan kaming dalawa, hinintay ko lang maka alis yung stalker ng onti sabi ko sa staff “kuya, sinusundan niya talaga ako. Natatakot ako.” Sabi ng staff “dito na po muna kayo ma’am.”

Nag stay ako for a few minutes sa loob ng burger king to make sure na wala na si stalker. Ininform ako ni staff na wala na raw. Ako na may doubt, inassume ko na asa labas lang iyong stalker.

LO AND BEHOLD!!! Makalagpas lang ng BDO 2nd floor nasa may glass siyang pasimano yung pabilog. Tangina nanlaki mata ko pero kunwari di ko nakita. Inaabangan niya ako. Nag times 2 kaba ko, pero tnry ko pa rin na maging chill lang. Bumaba ako ng 1st floor sa escalator, nag stay ako sa guard sa may entrance. Napansin naman nila na uneasy ako. Pero di ako agad nag sumbong. Napansin ko si stalker nag mamasid from upper floor, nagtatago sa bilog na poste na tabi ng escalator.

Tapos after a few minutes, bumaba siya sa ground floor noong napansin ko siya, lumipat siya pwesto. Tapos noong nakita ko ulit siya umakyat ulit siya tapos papalapit siya sa’kin, eh malapit ako sa guard. Parang may gusto siya gawin tapos hesitant lang siya. Umarte ako na may tinatawagan kunwari kahit ang totoo lahat ng kinokontak ko puro cannot be reached. Jusko. Hanggang sa lumabas na lang ng mall si kuya na parang dismayado. Tapos inaabangan pa rin niya ako sa labas ng SM.

Nagpasundo ako kay mama. Nag report ako sa guard ng experience ko. Sabi ng guard “Bakit di mo ma’am sinabi agad?” pero niradyo nila sa isa’t isa and chineck vicinity. Kaso di na nila sakop ang labas ng SM.

BAKIT NGA BA HINDI KO SINABI AGAD? BAKIT NGA BA MAY MGA BABAENG GUSTO MUNA E SURE ANG NANGYAYARE BAGO MANGHINGI NG TULONG?

Hindi ba dahil din sa society na kapag feeling namin nahaharass na kami sasabihan kami na ang arte niyo naman, ang feelingera niyo naman. Sorry, alam ko mali ginawa ko na di ako agad nakapag inform. Natatakot lang din ako na baka mali ako. Na baka tawagin akong assumera. Hindi na mauulit.


Kaya girls, pag naramdaman niyong may di na tama. Bukod sa wit na meron tayo, magkaroon na rin tayo agad ng aksyon. INGAT PO TAYONG LAHAT.

GIRLS WHO LOOK VULNERABLE LIKE ME, INGAT ALWAYS. ALSO, I LEARNED SOMETHING TODAY NA KAPAG MAY NAPANSIN KA NA SUMUSUNOD…

Posted by 임수진 on Saturday, October 3, 2020

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"If you are a foreigner now in the Philippines you have to be careful, they can throw you on the ground and kick you...

Huli Cam

Sibak si kap matapos niyang 'sibakin' si treasurer.