Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

OFW na Ninang Sapilitang Pinag-Sponsor ng 5k sa Binyag, ‘Hindi Kami Naliligo Sa Dolyar’

“Ganyan talaga pag nasa abroad na. Lumalaki na ang ulo. Ang yabang mo. Sayo na yang 5k mo.”

A A A

Tila nakatatak na sa mga Pinoy ang paniniwala na kapag OFW, automatic yan maraming pera. Halos lahat yata ng mga kababayan natin na OFW nakakaranas ng senaryo kung saan hinihingian sila ng kung ano ano dahil nga sa paniniwala na marami silang pera. Isa ito sa mga tinatawag na toxic mentality ng mga Pinoy.

Tulad na lang sa post ng isang OFW kung saan isiniwalat niya sa Facebook ang pag-uusap nila ng kanyang kumari at pinipilit nito na mag-sponsor siya ng 5,000 pesos sa binyag ng inaanak.

Ayon kay Rachelle Claire Melchor, sa una ay kinamusta lamang siya ng kanyang kaibigan na kumari din niya dahil inaanak niya sa binyag ang anak nito. Kalaunan, nagsimula na ito magdemand ng pasalubong para sa sarili at sa anak.

Hanggang sa nauwi ang usapan sa imbitasyon nito kay Rachelle na maging ninang uli sa bunso nitong anak at nag-demand pa sa kumaring OFW na sagutin ang gastos ng binyag na nagkakahalaga lang naman raw ng 5,000 pesos.

Tunghayan ang viral post ni Rachelle.

“Pangalawang magulang po hindi sponsor.

Nakakalungkot lang isipin na kinukuha kang ninang ng iba mong kaibigan para lang may ganito ganyan. Keso nasa abroad daw ako keso malaki daw sahod ko. Oo nasa abroad ako pero di ako lumalangoy sa pera. Kung ano man yung kinikita ko pinaghihirapan ko yun.Kung anong meron ako nagtitipid ako para makuha ko yun. Pinaghihirapan yun ng mga OFW sa kung saan saang panig ng mundo.

Hindi kami nakaupo lang at naghihintay lang ng grasya. Never ever think na nandito kami para lang sumakit ang ulo kakaisip ng ipapasalubong sainyo. Iniisip din namin yun. Pero may kanya kanya tayong needs and expenses.Nakakalungkot nga kakamustahin ka lang pag ganyan.

Kakausapin ka lang pag manghihingi ng pasalubong o ng pabor.Hindi naman ako nanghingi ng pabaon nung umalis ako diba? Kung makahingi wagas ? Sapilitan? Willing naman ako magbigay sa inaanak ko which is diko naman talaga kasi alam na ninang niya ko. Pero wag nmn sana s gnung way kasi nakakasama ng loob.

Always keep in your mind na hindi purket nasa abroad kami naliligo na kami sa dolyar. Nahihirapan din kami lalo na yung mga OFW na walang kasamang pamilya. Kahit yung mga di OFW. Kahit yung mga nagwowork jan sa Pinas na kukunin nyong ninong at ninang.

Bawal tumanggi sa pagiging ninang at ninong. At ayoko naman talagang tumanggi kasi angels ang mga bata pero isipin nyo na kaya nyo kame kukuning ninang at ninong para nandito kami na magbibigay ng guidance if ever na wala kayo sa tabi nila hindi para gawing sponsor.

Matapos magviral ang post ni Rachelle, umani ito ng samo’t saring reaksiyon sa mga netizens.

“Kung kulang ang budget o kung walang sapat na panghanda, bakit hindi nalang gawing simple? Huwag na ipilit kung hindi kaya. Kung ako, siyempre ibibigay ko nalang sa anak ko yong 5k, malaking bagay na yon. Kukunin kang ninang para lang may mag sponsor? Grabe naman. Kahiya-hiya.”

“Bakit kay sila ganyan? Nun nagpabinyag naman tayo sa mga anak natin hindi nman natin sila hinassle. hahaha. Makapag demand.. ninang ka ha? Sagot mo na ung ganito, ganyan. Pag sinabi mo na wala kang pera.. madamot ka na agad.. hahahaha.. Ang lulupeeet nyo. Wag ma kc kau mag anak ng mag anak.. Pati ung kukunin nyong ninang binibigyan nyo pa ng problema eh. Relate ako dto.. hahahaha”

“Mahirap ng magninong o ninang sa panahon ngayon, tumitingin yung parents ng baby kung sa magkano ang ibibigay mo😏😏.. Sana hindi lahat. Wag nyo pagkakitaan ang pagpapabinyag importante ma bless ang baby at safe. Wag maghanda ng marami kung hindi kaya tapos babawiin sa pakimkim.. Ano yun?πŸ™„πŸ™„πŸ™„

“Grabe naman yan kung ako sa iyo girl layo na sa ganyang tao kasi di healthy kasama yan. Ako never ko ginawa yan sa mga ninong at ninang nang anak ko. Masaya na ako na kausapin lang nila anak ko pero yong humingi nang kung ano ano. May god di makatao yan. At please, hindi tinatae nang mga nasa abroad ang pera dapat nga kung kaibigan mo kinakamusta mo sila parati yon man lang maramdaman nila na ‘oy may kaibigan pala akong nag-aalala sa akin, alis pagod ko di ba.'”

“Kapal ng mukha!😑 Nasa abroad man o hindi.. mayaman o hindi.. Nasa ninong o ninang na yun kung magbibigay o hindi.. Thank you nalang kung meron.. 2nd parents lang sila hindi sponsor o ATM machine! Tapos sasabihing nakikiusap lang tapos 5k hahaha, aba ateng hiya hiya din pag may time..Β πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚Β Magpasalamat ka nalang kung may binigay kahit any amount hindi yung demanding ka! Iba na talaga mga tao sa earthΒ πŸ˜„

Masuwerte ka talaga kapag may kaibigan o kamag-anak ka na hindi gatasan ang tingin sayo. Yung kakausapin ka dahil namimiss ka nila, kakamustahin ka kung okay ka lang at para hindi ka malungkot. Hindi ka sasamantalahin at huhuthutan porke’t nasa abroad ka malaki sahod mo at marami ka nang pera. Sobrang swerte mo kapag may kaibigan kang ganun na hindi tumitingin sa katayuan mo sa buhay at masaya sa naabot mo na tagumpay.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Maganda ka na sana e. Kaso mas inatupag mo pang mag pa-araro sa iba kesa mag aral."

Buzz

Celebrate your wins, no matter how big or small.

Entertainment

Kilalanin ang babaeng kasama ni Cesar Montano sa nag-viral niyang video greeting noon.

World

Viral ang larawan ng maglola matapos umani ng simpatya sa mga netizen