Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

Mga Oarfish Na Natagpuan Sa Agusan At Gingoog, May Kinalaman sa Lindol sa Masbate?

Hinala ng mga netizen na may kinalaman sa lindol sa Masbate ang mga natagpuang oarfish.

A A A

Isang patay na oarfish ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Manapa, Buenavista, Agusan del Norte sa kanilang lugar noong Agosto 13.

Ayon kay Angelie Bao, residente sa lugar na nagbahagi ng mga larawan, ang naturang isda ay may haba umano na 10 talampakan o tatlong metro. Inilibing raw agad ang oarfish ayon na rin sa abiso ng mga awtoridad.

Agosto 16, tatlong araw matapos may natagpuan na oarfish, niyanig ng malakas na lindol ang Masbate at karatig lugar nito sa Visayas.

Dahil sa pangyayari, mas umigting ang paniniwala ng mga netizens na ang paglitaw ng oarfish ay posible umanong babala na may paparating na malakas na lindol.

Ayon sa Facebook post ng Inquirer, naniniwala raw ang mga scientists na ang mga oarfish ay mga deep-sea na nilalang na nakatira malapit sa active faults. Kaya mas sensitibo umano ang mga ito sa chemical changes na nagaganap sa tubig bago mangyari ang lindol.

LOOK: An oarfish was found by residents of Buenavista town in Agusan del Norte province on Thursday.Scientists say a…

Posted by INQUIRER.net on Saturday, August 15, 2020

Ilang araw lamang matapos ang malakas na pagyanig sa Masbate, isa pang patay na oarfish ang natagpuan sa baybayin ng Gingoog City, Misamis Oriental.

Sa Facebook post ng Local Government Unit (LGU) ng Barangay 19 sa Gingoog, natagpuan umano ng mga residente ang labi ng deep-sea creature noong umaga ng Huwebes, Agosto 20. May haba umano itong 10.5 talampakan o 3.2 meters.

Oarfish which measures 3.2 meters was swept ashore at Barangay 19,Gingoog City this morning, August 20, 2020.

Posted by LGU of Barangay 19, Gingoog City, Misamis Oriental on Wednesday, August 19, 2020

Ayon Kay Japanese seismologists Kiyoshi Wadatsumi sa artikulo ng Japan Times, ang mga malalaking isdang nakatira sa napakalalim na bahagi ng karagatan gaya ng Oarfish ay mas sensitibo sa mangyayaring tremor o pagyanig ng lupa sa ilalim ng dagat.

Ito ang dahilan ng paglisan nila sa kanilang habitat upang humanap ng mas ligtas na lugar. Subalit, kadalasa’y hindi nabubuhay ang mga napadpad na Oarfish dahil hindi sila angkop sa temperatura sa itaas na bahagi ng dagat kompara sa kanilang natural na deep-sea habitat.

Ang mga Giant Oarfish ay mga deep-water creature o mga isdang nakatira sa malalim na bahagi ng dagat na may lalim mula 650 hanggang 3,300 na talampakan. Kinikilala ito na pinakahabang isda na may buto sa buong mundo, lumalaki ito sa habang 26 talampakan o walong metro.

Malaking palaisipan sa karamihan kung totoo nga ba na konektado ang Oarfish sa lindol? Ayon sa paniniwala sa Japan, ang paglitaw ng Oarfish ay isang ‘bad omen’ o masamang pangitain.

Isa na dito ang naganap na lindol sa Fukushima noong 2011 na nagdulot ng napakalakas na tsunami. Bago ang lindol, mahigit sa isang dosenang oarfish ang natagpuan sa iba’t ibang dalampasigan sa Japan.

Sa ngayon, wala pang sapat na patunay na ang mga hayop tulad ng oarfish ay may kakayahan na magbigay ng babala na may paparating na lindol.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like