Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Nanay Bumili ng Cabinet Online sa Halagang P700, Sobrang Nadismaya Nang Dumating Ito

Nagtaka pa raw si nanay nang may nagdeliver sa kanya ng maliit na box. Wala naman daw siya matatandaang inorder na ganoon kalaki.

A A A

Ngayong panahon ng pandemya, patok sa mga pinoy ang pagbili ng kung ano-ano online. Ito ay matapos ipinagbawal ng gobyerno ang paglabas ng bahay lalo na kung hindi naman importante o emergency.

Kaya naman, napilitan ang karamihan sa mga pinoy na subukang bumili na lang online katulad ng groceries, mga produkto sa palengke, at iba pa.

Napakalaking tulong nga naman ang online shopping lalo na sa panahon ngayon. Maliban sa napaka-convenient nito at hindi nakakapagod, ligtas ka pa sa panganib na dulot ng Covid-19 dahil hindi mo na kailangan lumabas ng bahay at makihalubilo sa mga matataong lugar.

Sa kabila ng ginhawang dulot ng online shopping, hindi rin maiwasan ang mga problemang dulot ng mga mapagsamantala.

Katulad ng isang nanay na bumili kamakailan ng cabinet sa isang sikat na online shopping website. Akala ni nanay, nakamura na siya sa cabinet na nagkakahalaga lang ng P700, ngunit nang dumating ang produkto, hindi niya akalaing mapapamura pala siya sa inis.

Kwento ni Gio Lumines sa kanyang Facebook post na nagtrending kamakailan, nahumaling raw ang kanyang mommy sa pag-oonline shopping. Kaya nang makita nito ang cabinet, talagang nagandahan raw si mommy at akala niya naka-jackpot na siya kasi napakamura nga naman ng presyo nito na nagkakahalaga lang ng P700.

Bumili si mama ng cabinet, P700+ sa lazada. Tas nagtaka siya kung bakit may nagdeliver ng box na maliit, di niya alam kung ano yung inorder niya na ganun. Yung cabinet pala, debale cute naman.

Posted by Gio Lumines on Tuesday, July 28, 2020

Nagtaka pa raw si nanay nang may nagdeliver sa kanya ng maliit na box. Wala naman daw siya matatandaang inorder na ganoon kalaki.

Laking pagkadismaya ni nanay nang buksan nya ang box, at tumambad sa kanya ang napakaliit na cabinet. Literal nga na napakacute nito.

Magsilbi sanang aral ito sa mga kababayan natin na mahilig mag-online shopping. Kilatisin maigi ang produktong bibilhin, mapagmatiyag sa mga importanteng detalye katulad ng sukat, dami, at kalidad ng produkto.

Kadalasan, tama naman ang nakasaad na detalye ng produkto. Kung gaano kalaki ang sukat. At kung para saan ang produkto. Gumamit ng panukat tulad ng ruler para tiyakin kung ano ang aktuwal na sukat ng produkto.

Kilatisin din maigi ang seller o ang nagbebenta, kung magaganda ba ang mga feedback rito o kung may mga reklamo at hindi magandang review.

Kalimitan makikita ang mga feedback sa mga komento at review ng produkto. Ugaliin din na tingnan ang page ng seller at magbasa ng feedback sa online store nito.

Kung mali ang pinadala sayo na item, na taliwas sa nakalagay na deskripsyon nito. Huwag mag-atubiling ireklamo ang seller dahil sa panlilinlang nito. Ngunit kung tama naman ang nakasaad sa deskripsyon at ikaw ang nagkamali sa pagbili. Subukan pa rin kausapin ang seller na kung maari, ibabalik mo ang iyong nabili sapagkat nagkamali ka sa pag-intindi.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Mommies at Daddies, iwasang ipahawak ang cellphone sa mga chikiting!