Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Nadine Samonte Proud At Hindi Ikinakahiya Ang Pagtitinda Ng Daing

Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte…

A A A
  • Inanunsyo ng aktres na si Nadine Samonte sa kanyang Instagram na nagtitinda sya ng mga dried fish o tuyong isda
  • Hindi raw siya nahihiya lalo na sa panahon ngayon na kailangan mo maging madiskarte
  • Unsalted o hindi inasinan kaya masarap raw ang mga tuyo na galing pa sa Masbate

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Nadine Samonte sa social media ang kanyang bagong negosyo, ang pagtitinda ng daing o tuyong isda.

Sa kaniyang Instagram post, ipinaalam ni Nadine na nagbebenta siya ng naturang produkto at hindi niya raw ikinakahiya na nagtitinda siya ng daing lalo na sa panahaon ngayon na kailangan mo maging madiskarte para makatulong sa pamilya.

Unsalted raw o hindi inasinan ang kanyang mga dried fish tulad ng daing, tuyo, danggit, sweet pusit, palad flakes at dilis na galing pa umano sa Masbate.

“Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngyn kelngn natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap tga,” ani Nadine.

Ibenebenta raw nila ito by batches. Hindi maalat kaya malinamnam. Sa sobrang sarap raw nito, sold out na lahat ng on-hand nya.

“Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and Dilis hahaha,” pabirong dagdag ng aktress.

Mapapansin na sa ibang Instagram post ni Nadine, makikita na masayang masaya ang aktres sa kaniyang simpleng buhay ngayon bilang ilaw ng tahanan.

Kabilang si Nadine sa first batch ng StarStruck ng Kapuso Network. Ilan sa mga pelikula niya ay “Marimar” (2007), “Super Twins” (2007) at “Darna” (2009).

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

"Kapag bibigyan mo ko ng pera hihirit ka ng 'Grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh.. Tapos ngayon barya nalang.'"