Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Politics

MTRCB Gustong Salain ang mga Palabas Sa Netflix

Kailangan umano dumaan muna sa MTRCB ang lahat ng palabas na ibebenta at ipapamahagi sa bansa.

A A A

Hinimok ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga senador na dapat silang payagan na i-regulate ang mga nilalaman ng international streaming platforms tulad ng Netflix at iba pang kagaya nito.

Sa pagdinig ng senado kaugnay sa panukalang Internet Transactions Act, sinabi ni MTRCB Legal Affairs Division chief Jonathan Presquito na mandato nila ang suriin ang lahat ng motion picture na pinapapalabas sa Pilipinas kahit ano pa ang ginagamit na platform.

“Stream services like Netflix are video on demand platforms. We have to regulate those platforms. We have to ensure that those materials being shown on those platforms are compliant with MTRCB laws.”

(“Ang mga stream services tulad ng Netflix ay mga video on demand platforms. Kailangan natin i-regulate ito. Kailangan natin siguruhin na ang mga materyal na pinapakita sa mga ganitong platforms ay alinsunod sa batas ng MTRCB,” pahayag ni Presquito sa komite.)

Layon ng ahensya na siguruhin na ang mga palabas na pinapakita sa Netflix ay angkop sa edad ng manonood at walang pinagbabawal na nilalaman.

“MTRCB has jurisdiction of that content regardless kung saan mo siya pinalabas… Just because sa internet siya pinalabas, hindi na siya covered ng MTRCB law,” dagdag pa nito.

Matatandaan na sinabi ng Netflix kamakailan na nakapagtala sila ng 16 milyon na bagong subscriber sa unang quarter ng 2020 simula ng ipinatupad ang lockdown o community quarantine dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Dahil dito, tumaas ng 27% ang kita ng Netflix sa buong mundo dahilan para umabot ito ng $5.7 bilyon o 287 bilyon pesos.

“There is necessity for us to proceed with the regulation, especially during the lockdown most of us ang nag-maintain ng sanity natin yung mga (what kept our sanity are) streaming services, Netflix, iflix, but all those movies are unrated.”

(“Kinakailangan natin ituloy ang regulation, lalo na nitong lockdown kung saan karamihan sa atin ang nagpapanatili sa ating katinuan ay mga streaming services, Netflix, iflix, ngunit ang mga palabas dito ay walang rating,” ayon kay Presquito.)

Paalala ni Presquito, itinuturing na ilegal sa MTRCB Law ang pamamahagi ng walang rating na mga palabas. Dagdag pa niya, kailangan dumaan muna sa MTRCB ang lahat ng materyal na ibebenta at ipapamahagi sa bansa.

Ayon pa kay Presquito, kahit walang tanggapan ang Netflix sa bansa, nakakapagsagawa ito ng negosyo sa pamamagitan ng pagkolekta ng subscription fee mula sa mga Pinoy.

Dagdag pa ni Presquito, may mga bansa tulad ng South Korea kung saan nire-regulate o kinokontrol nila ang mga palabas na pinapakita ng Netflix.

“Sa South Korea, lahat ng content ng Netflix dumadaan sa prior review. We don’t want that kind of review,” sabi ni Presquito.

Sinabi naman ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel, Chairman ng Senate committee on trade and commerce na pag-aaralan ng Senado kung maipappatupad ang panukala ng MTRCB na kontrolin ang mga online streaming content.

“Kailangan pag-isipan natin yan. It’s either we update our laws to catch up with technology or we enforce our archaic laws and hold back technological progress,” sabi ni Pimentel.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like