Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Mga Pulis Pinakyaw Ang Tindang Gulay Ng Batang Babae Para Makauwi Na Ito

Maraming ang natuwa sa ginawa ng mga pulis at patunay raw ito na marami pa rin ang matitino at mababait sa hanay ng PNP.

A A A
  • Umani ng papuri ang ginawang kabutihan ng mga pulis sa Camarines Sur
  • Nakita ng mga pulis ang batang babae na nagtitinda ng gulay sa tabi ng kalsada at malayo sa kabahayan
  • Pinakyaw nila ang tindang gulay ng bata para makauwi na agad ito

Umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizen ang mga kapulisan sa Pili, Camarines Sur dahil sa ginawang kabutihan ng mga ito sa isang batang babaeng nagtitinda ng gulay sa tabi ng kalsada.

Kwento ni Rolyn Garbo sa kanyang Facebook post, nadaanan niya ang batang babae na nagbebenta ng gulay sa tabi ng kalsada na napakalayo sa kabahayan.

Bumalik raw siya para bilhin sana ang gulay ng bata ngunit pagdating nya ay nandoon na ang mga pulis at pinakyaw ng mga ito ang lahat ng tindang sitaw ng bata.

Nag-iwan din ng paalala ang mga butihing pulis sa bata na mag-ingat lalo na’t panahon ngayon ng pandemiya at mapanganib ang ganoong lugar para sa isang bata.

“Keep up the good work, mga madam sir,” ani Rolyn.

Bukod sa pinakyaw na lahat ang panindang gulay, hinatid pa umano ng mga pulis ang bata sa kanilang bahay para masiguro ang kaligtasan nito.

Mabilis na nagviral ang post at maraming netizen ang humanga sa mga pulis dahil sa pinakitang pagmamalasakit ng mga ito sa isang maliit na batang gusto lamang makatulong sa kaniyang pamilya.

“I love, it sarap sa pakiradaman,,, ka hanga hanga , dapat tularan, natin… may God bless you”

“Sirs and maam DIYOS na po ang bhla mgbbgay ng biyaya sa inyo salamat sa malasakit nyo sa bata at sa mga mamanayan sa nasasakupan nyo god bless u po.”

“Karamihan po sa hanay ng ating mga KAPULISAN ay mabubuting alagad ng batas, kabilang na po dyan sina mam at sir. SALUDO PO AKO SA INYO!!!!!! Sana po kayo ang maging HUWARAN ng inyong HANAY.”

“Good job, mga sir maam.. Saludo ako sa mga ganitong pulis.. Gabayan kano God sa mga mabubuting gawahin nuo sa mga tao.. Malaking tulong na yan sa kanila, mga sir maam…”

“Nakakapaiyak, mga sir at ma’am, tagos sa puso sana all salute you and god bless po sa inyo,” dagdag naman ng isa pa.

Maraming netizen ang natuwa sa ginawa ng mga pulis at patunay raw ito na marami pa rin ang matitino at mababait sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Mommies at Daddies, iwasang ipahawak ang cellphone sa mga chikiting!

Trending

"Higit sa Tawag ng Tungkulin"

Trending

Kahit mahina ang kita, hindi pumasok sa isipan ng pedicab driver na pag-interesan ang laman ng pouch.

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"