Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Mga Baka Na Umakyat sa Bubong Dahil sa Baha, Pahirapan Ang Pagbaba

Pahirapan ang naging rescue operation subalit matagumpay ito at ligtas na naibaba ang mga baka.

A A A
  • Na-stranded sa bubong ng isang bahay ang ilang baka dahil sa naranasang pagbaha sa isang bayan sa South Korea
  • Lumangoy sa tubig-baha ang mga baka at umakyat sa mga bubong para makaligtas
  • Pagkatapos ng baha, nahirapan ang mga rescuers na ibaba mula sa bubong ang mga baka

Napakaraming baka ang nastranded sa mga bubungan ng ilang bahay sa isang bayan sa South Korea dahil sa naranasang matinding pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan.

Lumangoy ang mga baka nang tumaas ang tubig-baha sa bayan ng Gurye, sa katimugang bahagi ng South Korea. Napilitang umakyat ang mga ito sa bubungan ng ilang kabahayan at gusali para hindi matangay ng malakas na agos.

“The cows were swimming as the water level surged and made their way up onto the roof and stayed there even after the floodwaters subsided,”

(Lumangoy ang mga baka habang tumaas ang tubig at napunta sila sa mga bubong at nanatili doon kahit humupa na ang baha, ayon sa isang residente ng lugar.)

Paghupa ng tubig-baha, hindi na makababa mula sa bubong ang mga baka na makikita sa ilang larawan na tila tuliro at nalilito.

Sa umpisa, malaking palaisipan sa mga rescuers kung paano nila maibaba ang mga baka. Hanggang sa nagdesisyon sila na gumamit ng malaking crane at isa-isang itali ang mga ito at dahan-dahang ibaba.

Pahirapan ang naging rescue operation subalit matagumpay ito at ligtas namang naibalik sa kanilang pinanggalingan ang mga baka. Ngunit ang iilan sa kanila ay nakitaan umano ng sintomas ng pneumonia. Kinumpirma naman ito ng isang beterinaryo na boluntaryong sumama sa rescue operation.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Ang mga dumalo sa misa ay nakasakay sa kanya kanyang bangka!