Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Technology

19-Anyos Na Pinay Naka-Imbento Ng Teknolohiyang Babago sa Mundo Ng Air Conditioners

Halos katumbas lang ito ng dalawang regular na electric fan. Eco-friendly na, bulsa-friendly pa!

A A A

Malaki ang tulong ng Air Conditioner (AC) para palamigin ang mga tahanan at gusali. Nagbibigay ito sa atin ng ginhawa lalo na kapag mainit ang panahon.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang panandaliang ginhawa na dulot ng aircon ay mayroong pangmatagalan na masamang epekto sa ating planeta.

Ang mga aircon kasi ay gumagamit ng hydrofluorocarbons (HFC) bilang cooling agent o pangpalamig. Ang kemikal compound na ito ay nakakapag-panipis sa ozone layer ng ating daigdig at may malaking epekto sa tinatawag na global warming o pandaigdigang pagtaas ng temperatura.

Ito ang kasalukuyang problema na nahanapan ng solusyon ni Maria Yzabell Angel Palma, isang 19-anyos na isa na ngayong engineering student sa De La Salle University. Naimbento ni Yza ang tinawag nyang “AirDisc Cooling Technologies“, isang pambihirang teknolohiya na babago sa mundo ng mga air conditioner. Dahil tumatakbo ito ng walang freon na pampalamig.

Sa halip na gumamit ng kemikal na refrigerant, ang naimbento ni Yza ay hindi na kailangan mag-refill, walang material na mapanganib sa kalusugan at kalikasan, mura ang maintenance, at higit sa lahat walang masamang epekto sa ozone layer.

At ang maganda pa rito ay kumukunsumo lamang ito ng 150 watts na kuryente kada oras, 10% lamang kumpara sa ordinaryong aircon (split type man o window type) na nangangailangan ng 1,500 watts kada oras. Eco-friendly na, bulsa-friendly pa!

Ayon kay Yza, nag-aaral siya ng Grade 10 noon sa Philippine Science High School (PSHS) Bicol Campus taong 2016 nang aksidente niya natuklasan ang innovation na ito sa kanyang school project na eco-friendly oven.

“Iyong Airdisc po kasi ginamit niya iyong cool part ng principle na ginamit ko. So mas madali pong ikontrol iyong coolness kaysa sa hotness. So sabi ko why not use nalang the cool part of the principle para sa invention ko na Airdisc,” aniya.

Tinawag ni Yza na AirDisc ang kanyang naimbentong aircon sapagkat hugis disc ang compressor nito. Nakagawa siya ng prototype sa tulong na rin ng kanyang ama na isang mechanical engineer. At dito nga nila napag-alaman na sobrang baba ng kunsumo nito sa kuryente, halos katumbas lamang ng dalawang regular na electric fan.

Ang AirDisc na marahil ang sagot sa mandato ng United Nation na maghanap ng alternatibong solusyon dahil may panukala ito na i-phase out ang pag-gamit ng hydrofluorocarbons (HFCs) sa lahat ng aircon.

“One kilo of chemical refrigerant can have as much as 20,000 kilos of carbon dioxide (CO2) global warming potential. Cooling must be made available for all, in an era of increased global temperatures. To be successful against the horrendous threats, the entire global population as much as possible must be made aware to act commensurately.”

(“Ang isang kilo ng kemikal na nagpapalamig ay maaaring katumbas ng halos 20,000 kilo ng carbon dioxide (CO2) na potensyal ng global warming. Ang pagpapalamig ay dapat na magagamit ng lahat, lalo na sa panahon ngayon na tumataas ang temperatura sa buong mundo. Upang maging matagumpay laban sa mga nakatatakot na banta, ang buong pandaigdigang populasyon hangga’t maaari ay dapat na magkaroon ng kamalayan upang kumilos nang naaayon,” paliwanag ni Yza)

Bilang proteksyon sa kanyang naimbento para ay hindi na ito maagaw at makopya ng iba, nagpasa kaagad si Yza, sa tulong ng kanyang ama, ng patent sa Pilipinas at sa United States Patent and Trademarks Office (USPTO).

Like Logo on Facebook

Layunin ni Yza na gawing abot kamay ang kanyang aircon para sa lahat ng pinoy. Lalo na’t nakatira tayo sa isang tropikal na bansa at tila lumalala na ang nararanasan nating init ng panahon.

Batay sa isang survey, umabot sa 100 milyon ang ginawang air conditioner sa buong mundo noong taong 2016, subalit iilan lang at hindi lahat ang kayang bumili nito. Lahat yan ay magbabago kapag nailabas na sa merkado ang AirDisc.

Ito ang ilan sa mga features na tampok sa naimbento ni Angel Palma na Airdisc Cooling Technology.

  • Hindi mapanganib sa kalikasan
  • Hindi masakit sa bulsa dahil mababa ang kunsumo sa kuryente at mababa ang maintenance
  • Hindi gumagamit ng chemical refrigerant na nakakapagpanipis ng ozone layer
  • Durable at mas murang material na angkop sa mass production

Like Logo on Facebook

Kinilala na ang Airdisc Cooling Technology sa buong mundo at umani na ito ng iba’t ibang parangal:

  • World Inventors Contest 2017 Gold Medalist (Seoul, South Korea) IFIA accredited
  • World Inventors Association 2017 Awardee (Seoul, South Korea)
  • International RMC Young Scientists’ Contest and Exhibition 2017 Silver Medalist (Kuala Lumpur, Malaysia)
  • International Young Inventors Award 2017 Silver Medalist (Jakarta, Indonesia)
  • International Invention Innovation Competition in Canada 2017 Gold Medalist (Toronto, Canada)
  • International Intellectual Property Invention, Innovation and Technology Exposition 2018 Gold Medalist (Bangkok, Thailand)
  • China Association of Productivity Promotion Centers 2018 Awardee (China)
  • Leading Innovation Award from IIPNF (Malaysia)
  • Eurobusiness International Leadership Award (Haller, Poland)
  • China Association of Invention International Leadership Award (China)
  • MyRIS Leadership Excellence Award (Malaysia)
  • National Research Council of Thailand Leading Student Award (Thailand)
  • INNOPA Leading Innovator Award (Indonesia)
  • WIIPA International Leadership Award (Taiwan)
  • WIIPA Best Invention Award (Taiwan)
  • MyRIS Special Citation for the Best Invention (Malaysia)
  • FIR International Best Young Inventor (Romania)
  • DOST Youth Excellence in Science Award 2018 (Philippines)
  • Jesse M. Robredo Youth Awardee 2018 (Naga City, Camarines Sur)
  • Super Science High School Fair 2015 Philippine Representative (Osaka, Japan)  
  • Bitgaram International Exposition of Electrical Power Technology (BIXPO) 2018 Top 1 International Inventor (Gwanju, South Korea)
  • Bitgaram International Exposition of Electrical Power Technology (BIXPO) 2018 Gold Medalist (Gwanju, South Korea)
  • FEED Best Inventor/Invention Award (Morocco)
  • Balkan Association Outstanding Award (Balkan Region)
  • Singapore Citizen Innovation Outstanding Award (Singapore)
  • Hult Prize DLSU Manila First Runner Up De La Salle University (Manila, Philippines)
  • Hult Prize Regionals Qualifier International Competitor (Shanghai, China)
  • Total Philippines Startupper of the Year National Qualifier (Philippines)
  • Global Grad Show 2019 Selected Exhibitor (Dubai)
  • James Dyson Award 2019 National Winner (Philippines)

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like