Marami ang naawa ng magviral ang larawan ni John Regala sa social media. Naispatan ang batikang aktor sa Pasay City na humihingi ng tulong sa mga dumadaang tao. Si John ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na liver cirrhosis at kitang kita ang epekto nito sa kanyang katawan. Ang masaklap nito, ayon sa aktor wala siya ni isang malapitan dahil ultimo kaanak ay tinalikuran na siya.
Noong katanyagan niya, si John Regala ay isa sa mga kinikilalang kontrabida sa pelikulang pinoy nong dekada nobenta. Sa mahigit isang daang pelikula na kinatampukan ni John, nakatrabaho nya na halos lahat ng mga bigating pangalan sa showbiz. Ngunit ika nga sa kasabihan, walang permanente sa mundo lahat nagbabago. At sa nakalipas na mga taon, unti unting naglaho ang katanyagan ni John. Ngayon sa edad na 55 taon, napakalaki ng pagkakaiba sa kalagayan ni John kung ikukumpara noon.
Sa panayam ng DZRH, inamin ni John Regala na simula nang namatay ang kanyang ina nitong taon lang, tinalikuran na sya ng kanyang mga kamag-anak. At dahil sa kagipitan, napilitan ang batikang aktor na humingi ng tulong sa ibang tao upang bumili ng medisina at sa pagpapagamot.
“Ganun pala ang buhay, pag wala kang pera, kahit may mabuti kang nagawa, wala na rin silang paggalang sa tao,” mapait na sabi ng dating aktor. Kwento ni John, noong mga panahong kumikita sya ng malaki, madalas raw siya tumulong at magbigay sa ibang tao.
Kilala si John sa pagiging mabait at matulungin. Aniya, noong may pera pa sya madalas daw siya tumulong sa mga nangangailangan. Samantala ngayong baliktad na ang sitwasyon, at siya naman ang nangangailangan ng tulong, tinalikuran na siya ng mga taong tinulungan nya noon.
Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin si John Regala. Pagkatapos magviral ang kanyang kwento, maraming netizen at kilalang personalidad ang nag-alok ng tulong sa may sakit na aktor.
Maraming netizen ang naawa sa kalagayan ni John. Karamihan ay tinuturing ito na isang mapait ngunit mahalagang aral sa lahat. Mag-ipon habang may pagkakataon pa na kumita at kaya pa ng katawan magtrabaho. Maging wais sa paghawak ng pera at magkaroon ng retirement plans.