Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Videos

Maangas na Lalaki Naghamon ng ‘Online Suntukan’ Binugbog ng mga Skaters

Ang maangas na mukha nito ay nauwi sa pamumutla habang kumaripas ng takbo

A A A
  • Bugbog sarado ang isang maangas na lalaki matapos maghamon ng online suntukan
  • Ang maangas na mukha ay nauwi sa pamumutla habang kumaripas ito ng takbo
  • Dinala siya sa ospital sakay ang ambulansya

Kahihiyan ang inabot ng isang maangas na lalaki matapos itong maghamon ng suntukan online na nauwi sa pambubugbog sa kanya. Ang masaklap pa, nakuha ang buong pangyayari sa kanyang sariling live video at napanood ng maraming netizen.

Base sa Facebook live video ng lalaki, may hinahamon umano siyang suntukan sa tinawag niyang “Online Suntukan Challenge”. Napagkasunduan ng dalawa na magkita sa isang lugar, ngunit makalipas ang mahabang paghihintay, hindi sumipot ang kausap. Kaya napagdesisyonan ng lalaki na puntahan na lamang ang kasuntukan sa lugar nito.

Pagdating sa lugar, laking gulat ng lalaki ng biglang sumipot ang kausap na may kasama pala na limang skaters. Bugbog ang inabot ng lalaki at buti nalang kumaripas siya ng takbo.

Ang ending, nagpasaklolo ang maangas na lalaki sa mga rescuer na mabilis naman nagdala sa kanya sa ospital lulan ang ambulansya.

Panoorin ang video:

Like Logo on Facebook

Maraming netizen ang natawa sa inabot ng maangas na lalaki. Ayon pa sa iba, puro tapang lang daw na wala sa lugar at hindi ginamit ang utak. Sabi naman ng isang netizen, salamat sa diyos at hindi napuruhan sa ulo ang lalaki nang hampasin ito ng malaking skateboard.

Ayon naman sa ibang nakapanood, imbes raw magamit sa mas importanteng emergency ang ambulansya, dinamay pa ito ng lalaking masyadong pacool at wala naman napatunayan.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like