Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

Limpak-limpak na pera, Nahukay sa Tandag, Surigao Del Sur

A A A
  • Aabot sa P300,000 ang nahukay na pera sa Tandag, Surigao Del Sur
  • Nahukay ito ng mga construction workers sa kanilang ginagawang perimeter fence
  • Swerte na naging bato pa, dahil wala nang value ang pera

Limpak-limpak na pera ang nahukay ng mga construction worker sa tinatrabahung perimeter fence sa isang covered court sa Barangay Telaje, Tandag City, Surigao del Sur.

Ang mga nahukay na lumang perang papel ay may denomination na nasa halagang P5, P10, P20, P50, P100, P200, P500 at P1,000.

Ayon kay Police Regional Office 13 spokesperson Police Maj. Renel Serrano, hanggang ngayon hindi pa natutukoy ng kapulisan kung sino ang nagmamay-ari ng mga ibinaong mga pera.

“So far, hindi pa nakilala sino ang may-ari ng ibinaong pera sa may perimeter ng covered court,” ani Serrano.

Dagdag pa nito, tinatayang aabot sa P300,000 ang nahukay na pera pero nasa kamay na ito umano ng mga construction worker at umabot na lang sa mahigit kumulang P19,000 ang nai-turn over ng ibang construction worker sa kapulisan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, wala nang monetary value ang mga nahukay na pera at hindi na ito magagamit pa o mapapalitan sa bangko at pang collector’s item na lang umano ang pera.

Like Logo on Facebook

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like