Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Lolo Nagviral Matapos Gumawa ng Sariling Pool para sa mga Apo

Ang dating kulungan ng baboy, ginawang swimming pool!

A A A
  • Nagviral ang isang lolo matapos gumawa ng sariling pool para sa kanyang mga mahal na apo.
  • Sa loob lamang ng anim na araw, ang dating kulungan ng baboy ay naging mala-resort na swimming pool.
  • Umani ng paghanga mula sa mga netizens ang matinding effort ni lolo.

Umani ng paghanga sa mga netizens ang isang lolo sa Pampanga matapos nitong gawan ng sariling swimming pool sa likod ng kanilang bahay ang kanyang mga apo.

Kuwento ni Blessie Mangubat sa Facebook, gusto sanang makiligo ng kanyang mga pamangkin sa inflatable pool ng kanilang kapitbahay, subalit hindi nila pinayagan ang mga ito sa pangambang baka mabutas ang pool dala ng kakulitan.

Naawa sa mga bata ang kanyang amang si Wilfredo Mangubat, kaya agad agad itong gumawa ng swimming pool para sa kanyang pinakamamahal na mga apo.

Ayon sa post ni Blessie sa Facebook, ikinuwento nya gamit ang mga litrato ng unti-unting transpormasyon ng kanilang dating kulangan ng baboy hanggang sa maging ganap itong swimming pool na parang resort ang dating.

Ayon pa kay Blessie, umabot raw ng tatlong araw bago tuluyang natapos ang flooring at palitada nito.

Sa ika-apat na araw, nagawa ni lolo Wilfredo ang hagdan na nakatiles pa, para may matuntungan ang kanyang mga apo. Sa sumunod na mga araw naman ay nilagyan nito ng lona ang pool na siyang nagsilbing bubong upang hindi mainitan ang mga bata.

Sa ika-anim na araw ay pinagtulungan naman nila ang pagpipintura hanggang sa nakuha nila ang mala resort na itsura ng kanilang DIY pool.

Matapos ang isang linggong paghihintay, nakaligo rin sa wakas ang mga apo ni Lolo Wilfredo. Tuwang tuwa ang mga ito at lubos na nagpapasalamat sa kanilang mabait at masipag na lolo.

Ayun kay Blessie, umabot lamang sa Php 4,000 ang nagastos nila para magawa ang kanilang swimming pool.

Like Logo on Facebook

Lubos din na nagpapasalamat si Blessie sa mga netizens sa mga papuri at sa pag-appreciate sa effort ng kaniyang ama. May hashtag pa ito na proud daughter sya!

“Nakatataba naman ng pus0. Na-appreciate ninyo yung ginawa ng Tatay ko. ‘Di ko ineexpect na magva-viral pala yung simpleng appreciation post ko para sa ginawang pool ng Tatay ko para sa mga apo niya.”

Marami ang natuwa sa ginawa ni lolo Wilfredo para sa kanyang mga apo. Sa katunayan nagviral ang post ni Blessie na umabot ng mahigit 72,000 shares at 83,000 likes.

Just wanna share our low budget pool made by my Tatay!😁 Da best ka talaga!😘😍 #SwimmingpoolsaLikuran ❤

Posted by Blessie Reyes on Saturday, May 9, 2020

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like