Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

World

Lola Na Kapos Sa Budget, Bigong Bumili ng Cellphone Para Sa ‘Online Classes’ ng Apo

Viral ang larawan ng maglola matapos umani ng simpatya sa mga netizen

A A A
  • Bibili sana ng cellphone para sa online classes ng mahal na apo
  • Subalit kapos ang budget nito na Php 3,177 pesos lamang
  • Viral ang larawan ng maglola matapos umani ng simpatya sa mga netizen

Matapos ipagpaliban ang pasukan ngayon semestre sa lahat ng paaralan dahil sa panganib ng Covid-19, napagdesisyonan ng Ministro ng Edukasyon sa Thailand na virtual na silid-aralan ang natatanging kasagutan.

Sa kasamaang palad, hindi lahat ng pamilya ang may kakayahang gumastos para sa bagong patakaran na ito. Noong ika-16 ng Mayo, isang netizen sa Facebook na nagngangalang Jatupol Boriboon ang nagbahagi ng larawan ng isang lola at ang kanyang apo, kalakip sa litrato ang makabagbag-damdamin na kwento ng maglola.

Ayon kay Mr. Boriboon, pumunta umano si lola kasama ang kanyang apo sa Mobile Phone Shop, na pinagtrabahoan ni Mr. Boriboon, para maghanap ng mumurahing cellphone. Subalit ang budget lamang umano ni lola ay ฿2,000 (₱3,177) dahil ito lang ang natatangi nyang pera. Tinanong raw ni Mr. Boriboon kung para daw kay lola ang cellphone? Sagot ni lola, para daw sa kanyang apo.

Kwento umano ni lola kay Mr. Boriboon, kailangang kailangan ng kanyang apo ang cellphone para makadalo sa online classes nito. Dahil kung walang cellphone, hindi umano nito maipagpapatuloy ang pag-aaral.

Sa kasamaang palad, ang tindahan nina Mr. Boriboon ay wala umanong binebentang cellphone na ganoon kababa ang halaga kahit ang pinakamura. Meron silang hulugan buwan buwan, ngunit hindi rin ito kayang bayaran ni lola. Kaya sinabihan nya raw si lola na bumalik na lang sakaling magkaroon sila ng special promotions or sale.

Ayun kay Mr. Boriboon, maganda raw ang konsepto ng online learning, subalit para sa mga mahihirap na pamilya, isa itong malaking pribilehiyo.

Dagdag pa ni Mr. Boriboon sa post nya sa Facebook. Malaking problema raw ito sa mga magulang na naghihikahos na walang wala talaga, at hindi kayang bumili ng cellphone para sa mga anak na estudyante.

“Online learning is a great initiative but for kids who are from poor families, it is a privilege. Most elementary school students don’t have phones. I understand they can also learn through satellite TV, but what if they don’t have one? …this [online study] puts a burden on parents’ back.” (Ang online learning ay isang magandang inisyatiba, ngunit para sa mga mag-aaral na galing sa mahirap na pamilya, isa itong pribilehiyo. Karamihan sa mag-aaral sa elementarya ay walang smartphone. Naintindihan daw nya na pwede din naman sila matuto sa pamamagitan ng satellite TV, pero pano kung wala din? Mabigat na pasanin ito sa mga magulang.)

Umani ng mahigit 172,000 shares at 24,000 na komento ang kwento ng maglola, karamihan sa mga netizens ay nakikisimpatya at ang iba ay nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan. Samantalang meron din gustong tumulong sa maglola.

“Meron ako dalawang estudyante sa magkaibang level, kaya napilitan ako bumili ng dalawang cellphone para sa kanila. Sobrang hirap,” kwento ng isang netizen.

“Hirap na nga ang mga kababayan natin na bumili ng pagkain, ngayon gusto nyo pa na bumili sila ng cellphone?” pahayag naman ng isa.

Pagkatapos kumalat sa Facebook ang larawan, umabot ito sa Twitter kung saan pinag-uusapan ng mga netizens ang desisyon ng gobyerno tungkol sa online classes at paano nito binalewala ang kalagayang pinansyal at hindi pagkakapantay pantay ng mga tao sa lipunan.

Sa madaling salita, hindi lahat ng pamilya ang may sapat na kakayahan para tugunan ang mga kinakailangan sa online classes tulad ng kompyuter at telebisyon.

Nakakalungkot isipin na ang kwento ng maglola ay hindi hiwalay na kaso, dahil marami umanong pamilya sa Thailand ang naghihirap para matugunan lamang ang isyu na ito.

Batay sa survey ng Faculty of Education and Development Sciences ng Kasetsart University, napag-alaman na 45% lamang ng mga estudyante sa Thailand ang nakahanda para sa online classes. Yung natira ay walang mga sapat na kagamitan para lumahok dito.

  • Walang kompyuter 66%
  • Walang internet sa bahay 57%
  • Walang smartphone 36%

Ayon naman sa inilabas na datus ng National Statistical Office (NSO), 60% umano ng mga magulang ang nag-aalala tungkol sa online classes ng kanilang mga anak. Kadalasan sa ikinakabahala ay ang kawalan ng sapat na kagamitan, kawalan ng oras, at ang kanilang hirap na dinaranas sa kinakaharap na makabagong teknolohiya.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Maganda ka na sana e. Kaso mas inatupag mo pang mag pa-araro sa iba kesa mag aral."

Buzz

"Ganyan talaga pag nasa abroad na. Lumalaki na ang ulo. Ang yabang mo. Sayo na yang 5k mo."

Buzz

Celebrate your wins, no matter how big or small.

Entertainment

Kilalanin ang babaeng kasama ni Cesar Montano sa nag-viral niyang video greeting noon.