Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Lalaking Naglakad Sa Tabing-Dagat, Nakapulot Ng Pambihirang Bagay Na Halagang P25 Milyon

Hindi lubos akalain ng isang lalaki na ang napulot niyang bagay sa dalampasigan ay nagkakahalaga pala ng P25 milyon!

A A A

Hindi halos makapaniwala ang isang barista ng malaman nya na ang pambihirang bagay na kulay dilaw na napulot nya nang nakaraang taon ay isa palang whale vomit o suka ng balyena na nagkakahalagang ₱25 milyon!

Kwento ni Boonyos Tala-upara, 44 taong gulang, napulot nya ang kakaibang bagay noong nakaraang taon. Naglalakad umano siya noon sa kahabaan ng dalampasigan sa isla ng Koh Samui, Thailand. Napansin raw niya ang pambihirang bagay na kulay dilaw, pinulot niya ito at dinala sa kanyang bahay.

Nilagay niya ito sa kanyang garden at halos nakalimutan na. Isang kaibigan na bumisita sa kanya ang nakapansin sa kakaibang bagay at pinaalam nito sa kanya na mukhang whale vomit o suka ng balyena ang bagay na napulot nya. Ambergris raw ang tawag dito at napakamahal raw nito na madalas hinahanap ng mga gumagawa ng pambango.

Ang Ambergris ay kadalasang nabubuo sa tiyan ng mga sperm whale o balyena. Napakamahal nito lalo na sa industriya ng pabango. Mula 13th century, ginagamit na itong sangkap sa pabango, pagkain, at kosmetiks.

Ayon sa barista, “Ang bagay na napulot ko ay malaki at mala-ginto ang kulay na parang tunaw na kandila ang tekstura. Pero hindi ito malambot pag tinusok, hindi katulad sa kandila.”

May haba umano itong 50 sentimetro. Matigas ang balat pero malambot ang ilalim parang dilaw na wax na may kakaibang amoy.

“Sinubukan ko itong sunugin gamit ang isang lighter, natunaw ito na parang mantika pero nang lumamig, bumalik lang din ito sa pagiging matigas. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.”

“Baka ito na ang swerteng hinihintay ko. Gusto ko ito ibenta at gamitin ang pera para magretire.”

Kwento ni Boonyos, pinakita na raw niya ang bagay na ito sa mga kaibigan at kamag-anak niya, lahat sila sumang-ayon na ito ay napakahalagang suka ng balyena.

“Ang kapatid kong babae na nasa Austria ang nagkwento sa akin noon tungkol sa mga pambihirang bagay na ito na madalas matatagpuan sa mga dalampasigan. Sinubukan ko maghanap ng impormasyon sa internet at ganito nga talaga ang itsura ng whale vomit,” aniya.

Ayon kay Assistant Professor Thon Thamrongnawasawat, Vice Chancellor ng Faculty of Fisheries sa Kasetsart University, mataas raw ang posibilidad na nakapulot nga si Boonyos ng whale vomit.

Noong Abril 2016, isang 1.57 kilos na ambergris ang natagpuan sa Lancashire, England. Nabenta ito ng ₱3.2 milyon. Nobyembre sa taon ding yun, tatlong mananagat galing Oman ang nakakita ng 80 kilos na ambergris. Binenta nila ito ng mahigit $3 million o tumataginting na ₱147.3 milyon pesos.

Like Logo on Facebook

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Palaisipan sa mga residente kung saan galing ang mga 'plane debris'.