Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Lalaki Pinakyaw ang Tindang Sampaguita at Pinakain pa Ang Batang Tindera

Pinakyaw na nga ang tinda, pinakain pa ang batang tindera.

A A A
  • Isang lalaki sa Batangas nagviral matapos pakyawin ang tindang sampaguita ng isang bata
  • Kumakain umano sa karinderia ang lalaki ng lapitan ito ng bata at aluking bumili ng sampaguita
  • Napag-alamang hindi pa kumakain ang bata kaya pinakyaw ng lalaki ang tinda nito at pinakain pa

Isang netizen ang nakasaksi at namangha sa pinakitang “small act of kindness” ng isang lalaki sa Lipa, Batangas. Ayon sa netizen, kumakain umano ang lalaki sa karinderya ng lapitan ito ng isang batang tindera at inalok ng tinda nitong sampaguita.

Kwento ng batang tindera sa lalaki, ang mapagbebentahan nya ng tindang sampaguita ay ibibili nya ng pagkain dahil hindi pa umano sya kumakain.

Napilitan umano magtinda ang bata dahil wala silang bigas sa kanilang pamilya. Pagkatapos marinig ang kwento ng bata, naantig ang damdamin ng lalaki na likas palang matulungin. Kaya naman, walang mapagsidlan ng tuwa ang bata ng pakyawin ng lalaki ang lahat ng kanyang tindang sampaguita.

Maliban sa pinakyaw na nga ang tindang sampaguita, niyaya pa ng lalaki ang batang tindera na kumain tutal ay nasa karinderya na lang din naman sila.

Ayon sa netizen na nagshare ng larawan sa social media, kinuhanan niya umano ng litrato ang lalaki at batang tindera dahil namangha siya at naaliw sa pinakitang simpleng kabaitan ng lalaki.

“Habang kumakain ako nakita [ko si] sir may lumapit na bata nagbebenta [ng] sampaguita. Sabi [nung] bata pambili [lang] po pagkain dahil hindi pa siya kumakain. Wala [daw] sila bigas. Kaya pinakyaw ni sir sampaguita at pinakain [‘yung bata].”

Maliit na bagay man at karaniwang nangyayari ang ganitong pagtulong, nararapat lang na purihin ito lalo na sa panahon ngayon na kailangan natin hikayatin ang lahat na tumulong kahit sa pinakamaliit na paraan. Sapagkat likas na talaga sa ating mga pinoy ang pagiging matulungin.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Higit sa Tawag ng Tungkulin"

Trending

Kahit mahina ang kita, hindi pumasok sa isipan ng pedicab driver na pag-interesan ang laman ng pouch.

Trending

Maraming ang natuwa sa ginawa ng mga pulis at patunay raw ito na marami pa rin ang matitino at mababait sa hanay ng PNP.

Trending

Para may magamit na smartphone sa online classes ang kaniyang mga anak, naisipan ni Rommel na ibarter ang tatlo niyang alagang manok.