Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Huli Cam

Lalaki Namataan Ang Pagbuhos Ang Malakas Na Ulan Sa Kapitbahay Pero Sa kanila Wala

“Ulan sa inyo, dito wala!”

A A A

Marami ang namangha at naaliw sa viral video ni Junnel Garcia mula Pagadian City matapos nitong naaktohan ang pagbuhos ng malakas na ulan sa kanilang kapitbahay habang sa kanila ay wala.

Makikita sa nasabing video na tuyong tuyo ang lupa kina Junnel ngunit ilang metro lang mula kanyang kinatatayuan, halos mamuti na ang mga puno sa lakas ang buhos ng ulan.

Agad nagviral ang video at karamihan sa mga netizen ay namangha dahil hindi umano ito pangkaraniwang nakikita na phenomenon.

Ga ulan sa inyoha diri walašŸ’¦

Posted by Junnel Garcia on Saturday, September 12, 2020

Bakit nga ba umuulan sa isang banda habang tuyong tuyo naman sa kabila?

Ayon sa mga eksperto, walang kakaiba sa phenomenon na ito. Bihira man ito masaksihan ngunit normal umano ito.

Ang tawag sa phenomenon na ito ay relief rainfall. Nangyayari ito kapag ang hangin na kargado ng moisture ay sapilitang umakyat sa mataas na bahagi ng lupa. Kasabay ng pagtaas ng hangin, lumalamig ito at ang water vapor na namuo bilang ulan ay bumabagsak sa tinatawag na windward side. Sa kabilang banda naman ng mataas na parte ng lupa, walang pumapatak na ulan at ang tawag dito ay Leeward side.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like