Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

Lalaking Positibo sa COVID-19 Tumangging Magpa-ospital, Galit na niyakap ang mga kapitbahay

Nagalit umano ang pasyente sa mga ususerong kapitbahay na kumukuha ng video.

A A A
  • Hinabol at pinagyayakap ng isang lalaking positibo sa Covid-19 ang mga kapitbahay nya.
  • Nagalit umano ang lalaki nang kunan sya ng video habang sinusundo ng mga health workers para dalhin sa quarantine.
  • Agad na iniutos ng mayor sa lugar na magsagawa ng contact tracing at disinfection sa mga kapitbahay.

Isang 40 anyos na lalaki sa Indonesia ang nagpositibo sa test ng Covid-19 at tila gusto pa mandamay nang habulin at yakapin niya ang ilan sa mga ususero niyang kapitbahay sa Tasikmalaya sa West Java.

Ayun sa ulat na inilabas ng The Jakarta Post, nag positibo raw sa sakit na Covid-19 ang resulta ng swab test sa lalaking itinago lamang sa initials na AR.

Nagalit umano si AR at gumawa pa ng kaguluhan nang tanggihan niya ang isang grupo ng medical workers na magdadala sana sa kanya sa ospital upang isailalim sa mandatory isolation.

Galit na galit umano si AR nang sunduin siya ng medical team na nakasuot ng hazmat suit. At mas lalo raw itong nagalit nang magsimulang kumuha ng video ang mga ususerong kapitbahay habang sinusundo siya ng mga health workers.

Sa galit umano ng pasyente, hinabol at pinagyayakap niya ang mga kapitbahay para mahawaan ang mga ito ng Covid-19.

“What are you staring at? I will hug you all, you will soon be people under monitoring.” (Anong tinitingin tingin nyo? Yayakapin ko kayo lahat, para under monitoring na din kayo.)

Kalaunan, nakumbinsi din ng mga health workers si AR na sumama ng matiwasay para madala sa ospital at ma-quarantine sa isang isolation room.

Kinumpirma ng Deputy Mayor sa lugar na si Muhammad Yusuf, na nag-wala nga raw ang pasyente nang sunduin ito ng mga medical workers.

“I have ordered a team to forcibly take the patient, because if not, it would be dangerous for the neighborhood if transmission occurs.” (Nag-utos na ako sa isang team na puwersahang dalhin ang pasyente, dahil kung hindi, delikado kung magkaroon ng pagkalat ng sakit sa lugar.)

Ipinag-utos rin ng deputy mayor na magkaroon ng contact tracing sa lugar para matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente at madisinfect ang area na nakapaligid sa bahay nito, lalo na ang kanyang mga kalapit na bahay.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"