Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Videos

Congressman Sa Argentina Nakalimutan I-Off Ang Camera, Huli Ang Kalaswaan Sa Zoom Meeting

Hindi inaasahan ng lahat ng kalahok ng bigla na lamang hinawi ni Congressman ang pang-itaas na damit ng babae at sinibasib ng halik ang dibdib nito.

A A A

Isa marahil sa pinaka-peligrosong pagkakamali ngayong pandemiya ang makalimutang patayin ang camera. Lalo na kapag pinagsabay mo ang Zoom Meeting at kalokohan.

Katulad ng isang congressman sa Argentina na si MP Juan Emilio Ameri na nabisto sa Zoom Meeting habang dinidilaan ang dibdib ng isang babae sa kalagitnaan ng kanilang virtual parliamentary session.

Nitong nakaraang Huwebes, habang tinatalakay sa virtual session ang usapin tungkol sa budget, kitang kita ng ibang kalahok habang pinaupo ni Congressman Ameri ang isang dalaga sa kanyang kandungan.

Hindi inaasahan ng lahat ang sumunod na eksena. Bigla na lamang hinawi ni Ameri ang pang-itaas na damit ng babae at sinibasib ng halik ang dibdib nito.

Agad naman sinuspende si Ameri matapos masaksihan ng kanyang kapwa kongresista at mga manonood sa tahanan ang nangyaring kalaswaan.

Para pagaanin ang sitwasyon, sinubukan pa idaan sa biro ni Ameri ang tungkol sa pagpaparetoke ng dibdib ng babae. Ngunit, katagalan nagpasya din ang congressman na kusang magresign noong araw ding iyon.

Sa panayam kay Ameri na may tatlong anak, inamin niya na dahil sa insidente pareho umano silang nasasaktan ng kanyang partner, pati na rin ang kanilang kamag-anak at mga kaibigan.

Humingi naman ng paumanhin si Ameri sa kalaswaang nagawa. Paliwanag niya, nagkamali raw siya sa pag-aakalang dahil nagloloko ang kanyang internet connection kaya akala niya naputol sa linya ang kanyang camera.

“I asked her if I could give her a kiss and I kissed her on the b**bs. That was it.”

(Tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang halikan kaya hinalikan ko siya sa kanyang dibdib. Ganun lang yun.)

Kasabay sa pagkakaroon ng work-from-home dahil sa pandemiya, nauso din ngayon ang mga tinaguriang ‘Zoom Fails’ kung saan nakakalimutan ng mga user na naka-live pala ang kanilang camera.

Noong nakaraang buwan ng Agosto, isa sa sumikat sa buong mundo ang kapalpakan ng isang Barangay Chairman at kanyang Treasurer sa Cavite, kung saan nakalimutan rin ng mga ito na naka-live pala sa Zoom Meeting ang kanilang camera. Hindi sinasadyang nai-broadcast ng mga ito ang kanilang ginagawang kalaswaan habang seryosong nanonood ang ibang opisyal na kalahok sa nasabing virtual session.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Huli Cam

Sibak si kap matapos niyang 'sibakin' si treasurer.