Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

World

Johnson & Johnson Titigil sa Pagbebenta Ng Baby Powder Sa U.S. And Canada

Nahaharap ang kompanya sa mahigit 19,400 na kaso kaugnay sa akusasyon na ang kanilang baby powder ay nagdudulot ng kanser.

A A A
  • Titigil na ang Johnson & Johnson sa pagbebenta ng baby powder sa North America
  • Nahaharap ang kompanya sa 19,400 na kaso kaugnay sa alegasyong nagdudulot umano ng kanser ang produkto nito
  • Ayon sa kompanya desisyon raw nila na itigil ang pagbebenta at hindi ito pag-amin

Titigil na ang Johnson & Johnson sa pagbebenta ng kanilang sikat na productong Johnson’s Baby Powder sa Estados Unidos at Canada, matapos bumagsak ang benta nito dahil sa alegasyon na ang sangkap na talcum sa baby powder ay nagdudulot umano ng kanser.

Pahayag ng kompanya, na kilala sa buong mundo bilang pinakamalaking gumagawa ng mga produktong pangkalusugan, patuloy pa rin nilang ibebenta ang kanilang baby power sa labas ng U.S. at Canada.

“Demand for talc-based Johnson’s Baby Powder in North America has been declining due in large part to changes in consumer habits and fueled by misinformation around the safety of the product and a constant barrage of litigation advertising.” (Ang demand sa Johnson’s Baby Powder na may sangkap na talc ay pababa ng pababa sa North America, pangunahing dahilan rito ay ang pagbabago sa kagawian ng mga mamimili, dahil na rin sa maling impormasyon tungkol sa kaligtasan ng produkto at walang humpay na paglathala ng mga demanda.)

Ang J&J ay nahaharap sa mahigit 19,400 na kaso kaugnay sa akusasyon na ang kanilang talcum powder ay nagdudulot ng kanser sa ovary, sa pamamagitan ng paggamit ng pangkalinisang pambabae (feminine hygiene), o mesothelioma, isang uri ng kanser na tumatama sa baga at iba pang organ.

Giit ng kompanya, karamihan umano sa mga medikal na pananaliksik ay nagpapatunay na ang baby powder na gawa sa talc ay ligtas at hindi nagdudulot ng cancer.

Totoo man o hindi ang alegasyon, nagdadalawang isip na ang mga tao na gamitin ang produkto, ani Erik Gordon, isang propesor sa negosyo sa University of Michigan.

Ayon sa tagapagsalita ng J&J na si Kimberly Montagnino, walang plano raw ang kumpanya na makipagkasundo sa mga nagsampa ng kaso, sa halip, gagawin raw nito ang lahat para depensahan ang produkto.

Dagdag pa ng kompanya, isa lamang raw ang baby powder sa mahigit isang daang produktong pangkalusugan na ititigil nila sa pagbebenta. Layunin umano ng kompanya na unahin ang mga produktong mataas ang pangangailangan sa panahon ng coronavirus pandemic. At para na rin maipatupad ang social distancing sa mga pabrika nito at mga pasilidad ng distribusyon.

Batay sa magkahiwalay na imbestigasyon ng Reuters at The New York Times noong Desyembre 2018, may mga dokumento umano sa mga nakalipas na ilang dekada na naglalahad ng pag-alala na may kaunting asbestos na nahalo sa baby powder.

“From at least 1971 to the early 2000s, the company’s raw talc and finished powders sometimes tested positive for small amounts of asbestos, and that company executives, mine managers, scientists, doctors and lawyers fretted over the problem and how to address it while failing to disclose it to regulators or the public.” (“Mula 1971 hanggang mga 2000s, ang hilaw na sangkap na talc ng kompanya at ang yari nang pulbos ay paminsan minsan lumalabas na positibo sa pagkakaroon ng kaunting asbestos, at ang mga tagapamahala ng kompanya, mga manager sa minahan, mga siyentipiko, mga doktor at mga abugado ay nababahala sa problema at kung paano ito solusyonan habang bigo itong ibunyag sa mga regulator at sa publiko,” ulat ng Reuters)

Ang asbestos ay natural na nabubuo sa ilalim ng lupa malapit sa talc. Nagiging mapanganib ito kapag nadudurog at dumidikit sa tissue ng baga, at maaring maging dahilan ng sakit tulad ng kanser sa baga, asbestosis, at mesothelioma.

Tinawag ng pamunuan ng kompanya ang balita na “peke at mapanira.” At kamakailan, inulit nila ang pagtanggi at kinuwestiyon ang katotohanan ng ulat.

“Decades of scientific studies by medical experts around the world support the safety of our product. We will continue to vigorously defend the product, its safety, and the unfounded allegations against it and the Company in the courtroom. All verdicts against the Company that have been through the appeals process have been overturned.” (Ilang dekadang siyentipikong pag-aaral ng mga ekspertong medikal sa buong mundo ang sumusuporta sa kaligtasan ng aming produkto. Patuloy namin depensahan ang produkto, ang kaligtasan nito, ang walang basehan na mga alegasyon laban rito, at ang kompanya sa korte. Lahat ng hatol laban sa kompany na sumailalim sa proseso ng pag-apila ay binawi na.)

Noong 2018, ang isang hukuman sa St. Louis ay nag-utos sa Johnson & Johnson na magbayad ng $4.7 billion (₱238.3 billion) sa dalawampu’t dalawang (22) kababaihan at kanilang mga pamilya na nagsabing ang pulbos ay nagdulot sa kanila ng ovarian canser. Noong nakaraang taon, isang babae naman sa California ang napagkalooban ng $29 million (₱1.4 billion) dahil umano ang Johnson & Johnson baby powder ay nagdulot sa kanya ng mesothelioma. Umapela na ang kompanya hinggil sa desisyon.

Wala na ang malaking kinikita noon ng kompanya na mula sa linya nito na mga produktong kadalasang makikita sa medicine cabinet. Ngayon, halos kalahati ng kinikita ng kompanya ay galing sa pharmaceuticals, samo’t saring gamot tulad ng ginagamit sa paggamot ng depression at blood clots.

Dahil dito, nagkaroon din ng iba’t ibang dambuhalang kaso na may kaugnayan sa papel nito sa krisis ng opioid.

Ang Oklahoma ang pinakaunang humamon kay Johnson & Johnson sa korte na nag-akusa sa kompanya na gumawa raw ng “public nuisance” o kaguluhang pampubliko sa pamamagitan ng pagawa ng labis na supply ng painkillers.

Naipanalo ng Oklahoma ang kaso at napagkalooban ito ng $465 million (₱23.5 billion).

Ayon sa J&J, patuloy pa rin nila ibebenta ang kanilang baby powder sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, maliban sa U.S. at Canada, kung saan sobrang taas raw ang demand sa produkto.

Ang Johnson & Johnson ay isa sa mangilan-ngilang kompanya na nakikipag-tulungan sa National Institutes of Health para makatuklas ng potensyal na paraan ng paggamot para sa coronavirus pandemic at bakuna para sa COVID-19.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

World

Kayang tamaan ng DF-26B ang mga gumagalaw na target sa karagatan