Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

Lalaking Nagpakilalang Anak ni John Regala, Nais Makilala Ang Aktor

Ayon sa binatang taga-Tanauan, Batangas, ang aktor ang kanyang biological father.

A A A

Isang 24-anyos na binata mula sa Tanauan, Batangas, ang matagal nang nagnanais na makilala ang kanya umanong biological father, walang iba kundi ang batikang aktor na si John Regala.

Ayon kay John Santos, ang nagpakilalang anak, matagal na raw niya gustong makilala ang kanyang biological father pero hindi siya nabibigyan ng pagkakataon.

Kinse anyos si John Santos nang malaman na biological father niya ang aktor na si John Regala. Mula noon, naghangad na ang binata na makilala nang personal ang pinaniniwalaang ama.

Sa panayam kay Gloria Silva del Mundo, isang kagawad sa Barangay Banjo East sa Tanauan, noong pumutok ang Taal Volcano nito lamang nakaraang Enero 2020, nagpunta sa Tanauan ang kilalang aktres na si Ynez Veneracion para mamigay ng tulong sa mga apektadong residente.

Nakausap daw ni Ynez ang nagpakilalang anak ni John Regala at nangako pa raw ito na gagawa ng paraan upang magtagpo ang mag-ama. Ngunit lumipas na ang ilang buwan, wala naman nangyari.

Ayon kay kagawad Gloria, kilala niya si John Santos dahil kaibigan ito ng kanyang anak. Ang pangalan umano ng ina ng binata ay si Vilma Santos – na kapangalan pa ng Star For All Seasons at Batangas representative.

Kwento ni Gloria, “Nagkakilala po sila ni John Regala sa Japan dahil entertainer siya [Vilma].”

“Nalaman ni John Regala na nagbuntis si Vilma, pero hindi siya naniwala na siya ang ama ng bata.”

“Noong seven years old na si John [Santos], umuwi siya sa Batangas mula sa Japan. Ang lola niya ang kumupkop sa kanya.”

Pahayag pa ni Gloria, “Kamukha po si John ng father niya. Malaki siyang tao, kamukhang-kamukha siya ng tatay niya. Mabait siya.”

Umaasa si kagawad na matupad na rin sa wakas ang pangarap ni John Santos na makilala ng personal ang kanyang biological father.

“Itong bata, matagan nang hinahanap si John. Hindi pa niya nakikita si John Regala mula noong seven years old siya. Kagaya ngayon, may sakit na si John Regala, sana man lang magkita ang mag-ama.”

“Parang ang sabi raw po nung tatay, hindi siya sigurado na anak niya si John [Santos]. Pero ang sabi ng ina, si John Regala ang tatay. Hindi naman siguro late na para magpa-DNA test sila.”

Nakatira raw ang 24-anyos na si John sa Ramonita Subdivision sa Tanauan. Ang ina naman daw nitong si Vilma ay sa Isabela na nakatira.

Ayon kay John Santos, masakit lumaki na walang ama.

“Sobrang hirap po lumaki na walang ama sa tabi, kasi po walang tatay na nag-aaruga sa akin simula pagkabata. Sobrang sakit po na makita na kumpleto ang ibang pamilya.”

Isinilang si John noong August 27, 1995. Nagtatrabaho siya ngayon bilang truck driver mula Lunes hanggang Sabado.

Kwento ni John, labinlimang taon siya noon nang sabihin ng kanyang ina na si John Regala ang tatay niya.

“Sinabi rin po ng mama ko na siya ang tatay ko. Tinanong ko si Mama kung magagalit po siya kung pupunta po ako kay Papa [John Regala]. Ang sabi niya, okey lang sa kanya…”

Ngunit dahil menor de edad pa siya noon, hindi nagtagumpay si John sa plano nitong hanapin at puntahan si John Regala.

“Hindi ko pa po nasusubukan na puntahan si Papa dahil hindi ko alam kung nasaan siya,” ani John.

Simula pagkabata, may lukso ng dugo na raw siyang nararamdaman sa tuwing napapanood niya sa telebisyon at pelikula ang batikang aktor. Pero inamin din ni John na may kinikimkim siyang tampo.

“Meron po akong tampo, kasi mula pagkabata, wala siya sa tabi ko. Nag-iisang anak lang po ako. Walang ibang anak ang mama ko.”

Forty-nine years old na raw ngayon ang kanyang inang si Vilma.

Kung sakaling palaring magkita sila nang personal, ano ang sasabihin ni John sa pinaniniwalaang ama?

“Kapag nagkita na lang po kami,” mabilis na sagot niya.

Hindi naman nagpapaapekto si John sa mga komento sa social media na gusto lamang daw niyang makilala si John Regala dahil sa mga financial help na natatanggap nito, tulad ng P100,000 na ibibigay ni Raffy Tulfo.

“Marami pong nagsasalita nang maganda pero marami rin ang bashers. Hindi ko po iniisip ang mga sinasabi nila. Gusto ko lang pong magkita at magkausap kami. Gusto ko lang makita siya nang personal, wala nang iba.”

Kampanteng pahayag pa ng binata, “Payag po ako sa DNA test para patunayan na anak niya ako. Sa ngayon, wala po akong ebidensiya na anak niya ako, pero si Mama ko at ang lola ko ang makakasagot.”

Bilang pruweba na matagal na ang paghahanap nila kay John Regala, ipinadala ni John sa PEP.ph ang screenshots ng Facebook post ng kanyang Lola Victoria noong August 2016.

Sa Facebook post ng lola ni John, nanawagan ito sa aktor na kilalanin ang anak nito.

Pinakita din ni John ang Father’s Day greeting niya sa kinikilalang ama noong June 2020.

Kagaya ni John Regala, miyembro rin ng Iglesia Ni Cristo si John Santos.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

"Pag wala ka ng pera, wala na rin silang paggalang sayo..."