Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Ivana, Inipon Ang Pera Sa Vlogging Para Bigyan Ng Bahay Ang Ina At Lupa Ang Kapatid

Sinorpresa rin ni Ivana sa nasabing video ang kapatid na lalaki na binilhan niya ng lupa.

A A A

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinunyag ng Youtuber at aktress na si Ivana Alawi na ipapagawa niya na ang “dream house” ng kanyang ina na si Fatima Marbella.

Ayon kay Ivana sa isa niyang vlog noong April 21, inipon niya lahat ng kita niya sa vlogging para sa pagpapatayo ng bahay ng kanyang ina.

“Hindi ko pa siya nagagastos kahit piso kasi nga pambili ko yun ng bahay ni mama.”

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Ivana ang disenyo ng bahay. Moderno ito at Italian naman ang interior design.

“So, modern siya but ‘yung inside niya is parang Italian na gold. Gusto kasi ni Mama ng gold kaya puro gold ‘yung design niya.

Kami ni Mama ‘yung nag-design. Gusto ko maraming salamin na bahay. ‘Tapos si Mama sabi niya gusto niya gold tsaka high ceiling.”

Sinorpresa rin ni Ivana sa nasabing video ang kanyang kapatid na lalaki na si Hashim. Binilhan niya ito ng lupa doon rin sa loob ng subdivision na iyon dahil gusto umano niya na magkakapitbahay lamang sila.

Paliwanag ng aktress, hindi raw mahilig sa mamahaling gamit ang kanyang kapatid kagaya ng rolex, kaya naman naisipan niya ibili na lamang ito ng lupa.

Naiyak naman sa natuwa ang kapatid ni Ivana na nung una akala nito ay bahagi lang ng isang prank.

Panoorin ang video:

Like Logo on Facebook

Noong Agosto 2019 lamang nagsimulang mag-vlog sa Youtube si Ivana. Makalipas ang mahigit isang taon, sa kasalukuyan umabot na sa mahigit 9 milyon ang kanyang subscribers.

Gayunpaman, kahit milyon-milyon ang views ng kanyang mga vlog, inamin ni Ivana na nasa 5-6 digits lamang ang kinikita niya sa Youtube.

Ang Youtube ay isang sikat na American online video-streaming platform kung saan binabayaran ang mga content creators tulad ni Ivana ng dolyar bilang share sa kita sa advertisement na sinisingit sa mga videos.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Buzz

Celebrate your wins, no matter how big or small.

Entertainment

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko ni Bugoy Cariño ang litrato ng kanilang anak ni EJ Laure.

Entertainment

"Kung nagkataon na nagpabaya ako... The end sigurado ako, goodbye Philippines!”

Entertainment

"Pag wala ka ng pera, wala na rin silang paggalang sayo..."