Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

Aspiring VJ Nag-Viral Matapos Mag-Celebrate ng “Happy 2 Subscribers”

Celebrate your wins, no matter how big or small.

A A A

Celebrate your wins, no matter how big or small, isang sikat na kasabihan na nagbibigay sa atin ng inspirasyon at motivation para magkaroon tayo ng positibong pananaw sa buhay.

Ito ang ipinamalas ng isang aspiring VJ o Video Jockey mula Negros Occidental sa kanyang post kung saan ipinagdiwang niya noong lunes ang pagkakaroon ng dalawang subscribers sa Youtube.

“Happy 2 subscribers. Subscribe to my channel (bit.ly/2SN3mrZ),” saad ni Mary Grace Escober sa kanyang Facebook post.

Naghanda pa si Mary Grace ng cupcake na may nakasulat na “2 subs”. May kasama itong posporo na nagsisilbing kandila, isang litro ng Coca-Cola, at isang McDonalds happy meal na may kasamang fried chicken.

Mabilas na nagviral ang kanyang post at makalipas lang ang ilang oras, nagkaroon agad ng 70,000 subscribers ang kanyang Youtube channel at patuloy pa ito nadadagdagan.

Sa kabilang banda, umani naman ang kanyang Facebook post ng mahigit 140,000 heart reactions.

Maging ang aktres na si Kiray Celis, matapos makita ang viral na Facebook post, hinimok nito ang kanyang mga followers na mag-subscribe sa Youtube channel ni Mary Grace.

“Hindi ko siya kilala. Pero suportahan natin yung pangarap ng batang ‘to. Malayo mararating mo baby girl basta maging humble ka lang palagi at magpapakabait sa magulang mo. Subscribe tayo sa kaya! 😍😍😍” ani ng aktres.

Happy 2 subsciberSubscribe to my channel https://m.youtube.com/channel/UCPKPlPJjnvYLbXU32NThAvA

Posted by Mary Grace Escober on Sunday, October 11, 2020

Ayon kay Mary Grace, nagulat raw siya matapos makita ang libo libong netizens na biglang nag-subscribe sa kanyang channel sa loob lang ng ilang oras.

“Sobrang happy ko po hindi ko naman po ito inaasahan. Thankful po ako sa lahat ng nag-subscribe sa akin at syempre kay God po dahil sa kanya ang lahat ng ito. Thank you po.”

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Maganda ka na sana e. Kaso mas inatupag mo pang mag pa-araro sa iba kesa mag aral."

Buzz

"Ganyan talaga pag nasa abroad na. Lumalaki na ang ulo. Ang yabang mo. Sayo na yang 5k mo."

Entertainment

Kilalanin ang babaeng kasama ni Cesar Montano sa nag-viral niyang video greeting noon.

Entertainment

Sinorpresa rin ni Ivana sa nasabing video ang kapatid na lalaki na binilhan niya ng lupa.