Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Gwapings Member Eric Fructuoso Namamasada ‘Para sa Mga Anak’

“Para sa mga anak…”

A A A

Umani ng samo’t saring reaksyon kamakailan ang larawan ni Eric Fructuous, na nagmamaneho ng tricycle. Marami ang naintriga at marami din naman ang humanga. Lalo na at takaw pansin ang nakasulat na caption ng nasabing larawan.

Ibinunyag ng dating aktor na namamasada siya ng tricycle sa Naic, Cavite para makasurvive sa coronavirus pandemic.

Sa kanyang Instagram account, pinost ng “Gwapings” member ang kanyang larawan na nagmamaneho siya ng tricycle.

“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!” he said.

Maraming Instagram user ang nagpakita ng paghanga sa post ng aktor. Saludo naman ang iba sapagkat hindi raw nahihiya ang aktor na mamasada ng traysikel, lalo na ngayong panahon ng pandemiya.

May iba naman na halos hindi makapaniwalang pinasok ni Eric ang pamamasada.

“Tama po kayo Sir. Basta marangal na trabaho walang dapat ikahiya at saka aanhin ang kaaertehan kung walang laman ang tiyan,” ayon sa isang Instagram user.

“Sa panahon po ngayon, bawal na ang maaarte. Tama po yan. Good father po kayo,” komento naman ng isa pang user.

“Lagi po ako mamalengke pag ganyan ang driver 😁✌, bigyan ko pa ng tip. ANG GWAPING NG DRIVER 😍”

“Lagi nako mag tricycle pag ikaw ang driver.”

Batay sa kanyang mga post na larawan sa Instagram, mahilig sa motorsiklo si Eric. Ayon sa kanyang isang post, plano raw niya na ikutin ang buong Pilipinas gamit ang kanyang motorsiklo pagkatapos nitong pandemic.

“Kapag safe na at pwede nang lumabas, iikutin ko ang buong Pilipinas,” aniya.

Meron ding Youtube channel ang aktor kung saan pinapakita nya ang kanyang mga paglalakbay gamit ang kanyang motorsiklo.

Ang 43 anyos na si Eric ay 16 taon nang kasal sa kanyang non-showbiz na asawang si Gian, at mayroon silang apat na anak. May isa pang anak ang aktor sa kanyang dating nakarelasyon noon.

UPDATE:

Nagbigay na ng pahayag si Eric Fructuoso tungkol sa nagviral na litrato. Nilinaw ni Eric na hindi raw siya pumapasada ng traysikel para maka-survive sa pandemic. Gimik lang daw niya umano ito para patunayan na kahit laos na, hindi nya kailangan magpakita ng cleavage para magtrending.

Dagdag pa ni Eric, layunin lamang niya sa larawan na i-empower ang mga tricycle driver na huwag ikahiya ang kanilang marangal na trabaho. Ngunit hindi rito kumbinsido ang maraming netizen na karamihan ay nadismaya sa ginawa ng dating aktor.

“Ano yun? Pinakita mo sa mga tao na namamasada ka ng traysikel at binigyan mo sila ng ideya na hindi ito dapat ikinakahiya dahil kahit ikaw namamasada rin. Tapos kinabukasan, todo deny ka na hindi ka namamasada na para bang nakakahiya para sa isang katulad mo na maging hamak na traysikel drayber? Saan dun ang sinasabi mong empowerment?”

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

Ibinahagi ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ang isang home tour sa kanilang bagong bahay.

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"