Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Batang Positibo sa Covid-19 Naiyak Habang Nagdadasal Matapos Ma-Isolate sa Pamilya

Viral ang bata na umiiyak habang taimtim na nagdadasal.

A A A
  • Isang 9-taon gulang na bata sa Cebu ang positibo sa Covid-19
  • Viral ang bata na umiiyak habang taimtim na nagdadasal.
  • Mahigit isang linggo na sa isolation center ang bata kasama ang daan daang pasyente.

Isang siyam na taong gulang na batang lalaki sa Cebu na positibo sa sakit na Coronavirus (Covid-19) ang nagviral sa social media matapos ang makaantig damdaming eksena na umiiyak ito habang taimtim na nagdadasal.

Sa isang episode ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho noong linggo, ang siyam na taong gulang na itinago sa pangalang Gabriel, hindi tunay na pangalan, ay kasalukuyang nasa isolation center sa cebu kasama ang daan-daang iba pang mga pansyenteng positibo rin sa naturang sakit.

Bagama’t regular naman ang komunikasyon ni Gabriel sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng tawag at text message. Hindi pa rin maiwasan ng bata ang malungkot at mangulila sa mga ito.

Ayon sa ina ng bata;

“Sobrang sakit, ni hindi mo man siya mayakap, hindi mo siya mahalikan, hindi mo siya makatabi dahil malayo siya.”

Kuwento ng bata, nagsimula ang lahat noong Abril ng makaramdam siya ng lagnat at pagdurugo sa ilong.

Agad siyang sinamahan ng kanyang tiyuhin, upang magpa-test para sa Covid-19. Ang kanilang barangay ang isa sa mga matinding tinamaan ng coronavirus at mayroong naitalang pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Cebu.

Paglipas ng isang linggong paghihintay, dumating ang resulta ng pagsusuri at nakumpirma nga na positibo sa Covid-19 ang batang si Gabriel.

Dahil dito, lubos na malungkot ang ama ng bata, mas mabuti pa raw sana na sa siya nalang nahawa ng virus dahil masyado pang bata ang kanyang anak.

“Mas okay pa na sa akin na lang dumapo ang sakit kaysa sa aking anak ang makaranas kasi ang bata pa niya.” 

Si Gabriel lamang ang nagpositibo sa kanilang buong pamilya. Dagdag pa ng ama ni Gabriel, naiiyak raw siya noong nalaman niya na positibo ang anak sa sakit na Covid-19.

Si Gabriel ang bunso sa apat na anak. Walang trabaho ang kanyang ama habang ang ina niya naman ay nagbebenta ng lugaw.

Isang taon matapos ipanganak si Gabriel, natupok ng sunog ang bahay nila. Pagkatapos, namatay naman sa Urinary Tract Infection (UTI) ang isang kapatid na lalaki ni Gabriel.

Sa kabila ng trahedya, si Gabriel raw ang nagbibigay ng pagasa sa kanilang pamilya. Kuwento ng lolo ni Gabriel, pagkagaling raw sa paaralan, laging nagbabasa ng bibliya ang bata hanggang sa makatulog.

Ibinahagi ni Gabriel na siya at ang pinsan ay laging nagdadasal na magkasama sa pamamagitan ng video call bago sila matulog.

“Hindi Siya nagpapakita. Babantayan lang Niya ako kung may virus. ‘Yung aming pagsamba aalis ang demonyo at ang virus. Siya ang aking lakas,” pahayag ni Gabriel.

Ayon sa kapitbahay nilang si “Lea” na nagpositibo rin sa Covid-19 at isa rin sa mga pasyente sa isolation center. Noong nakita nya raw si Gabriel, umiiyak ito at hinahanap ang kanyang mga magulang at mga lolo at lola.

Kwento ni Genelyn na nagupload sa viral na video, marami daw silang umiyak habang nakatingin sa bata.

“Marami kaming umiiyak nakatingin sa kanya. Naawa kasi lumuhod siya, tapos kumakaway ang kamay niya, tapos kumakanta, umiiyak.”

Sa kabutihang palad, may mga mabubuting taong tumulong sa pamilya ni Gabriel na nagbigay sa kanila ng groceries at mga vitamins.

Sa kabila ng dinadanas na hirap dulot ng pagkawalay sa pamilya at sa pakikipaglaban sa sakit, patuloy ang pananampalataya ni Gabriel.

“Panginoong Hesukristo, gagaling ako rito para makalabas ako.”

Marami ang naantig ang damdamin sa pinakitang pananampalataya ni Gabriel at naging inspirasyon ito sa maraming netizens na huwag kailanman mawawalan ng pag-asa at patuloy pa rin magdasal para gumaling ang lahat.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

"Maganda ka na sana e. Kaso mas inatupag mo pang mag pa-araro sa iba kesa mag aral."

Buzz

"Ganyan talaga pag nasa abroad na. Lumalaki na ang ulo. Ang yabang mo. Sayo na yang 5k mo."

Buzz

Celebrate your wins, no matter how big or small.

Entertainment

Kilalanin ang babaeng kasama ni Cesar Montano sa nag-viral niyang video greeting noon.