Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Foreigner Na Sinabing Pinagtulungan Bugbugin, Nanapak Pala ng Sekyu

“If you are a foreigner now in the Philippines you have to be careful, they can throw you on the ground and kick you there.”

A A A

Umani ngayon ng iba’t ibang reaksyon ang isang video kung saan pinagtulungan umano bugbugin ng mga guwardya ng SM Light ang isang foreigner dahil lamang sa hindi pagsusuot ng Facemask.

Batay sa video na kuha ni Ricardo Gualis mula sa kanyang sasakyan at inupload niya sa Facebook, makikita ang lalaking foreigner na nakahiga sa semento habang pinalibutan ng mga sekyu.

Kitang kita sa video na may isang sekyu na umambang hambalusin ng hawak na batuta ang walang kalaban laban na foreigner.

Sa gitna ng komusyon, mapapansin na hindi naman sinaktan ng mga sekyu ang foreigner. Maliban sa dalawang sibilyan na makikitang tumadyak ng ilang beses sa nakahigang foreigner. Ayon sa mga netizen, ang dalawang sibilyan ay mga Chinese tenant ng building.

Like Logo on Facebook

Ayon sa caption ni Ricardo Gualis sa kanyang video.

“If you are a foreigner now in the Philippines you have to be careful, they can throw you on the ground and kick you there. This video is from SM light.”

(Kung isa kang dayuhan na nandito ngayon sa Pilipinas, kailangan mo mag-ingat, pwede ka nilang ihagis sa lupa at tadyakan.)

Ricardo Gualis

Ngunit maraming netizens ang hindi sumang-ayon sa mapanirang pahayag ni Ricardo Gualis. One sided umano ang 20 seconds na video ni Ricardo at halatang kumakampi siya sa dayuhan sapagkat isa rin siyang dayuhan.

One-sided video, the real story revealed.

Bago pa lumabas ang video ni Ricardo Gualis, nagviral na noong isang araw ang video kung saan pinapakita ang totoong nangyari bago ang naganap na komusyon.

Makikita sa naturang video na lasing ang foreigner at pinagsasapak nito ang mga sekyu ng mall. Mapapansin rin na hindi pinatulan ng mga sekyu ang aroganteng dayuhan habang dinuduro duro sila nito at pinagsasapak.

Hindi rin totoo ang aligasyon na walang suot na facemask ang foreigner.

Mapapansin sa video na umiiwas na ang mga guwardiya habang patuloy naman lumalapit ang pasuray-suray na dayuhan at isa isang pinagsasapak nito ang mga sekyu.

Matapos ang ginawang pambu-bully sa mga sekyu, pasuray suray na pumunta sa parking area ng mga motorsiklo ang dayuhan at sinampal ang isang motorista na paalis na sana.

Inalalayan ng isang sekyu palayo ang foreigner para hindi na makapanakit ng ibang motorista ngunit natumba ito sa kalasingan. Pinilit nito tumayo at naghamon pa ng away sa tumulong na sekyu.

Dito na lumapit ang ibang guwardiya para pigilan ang nagwawalang dayuhan. Kitang kita sa video na nagpupumiglas ito kaya inihiga siya ng mga guwardiya sa semento.

Taliwas sa mga aligasyon na sinaktan siya ng mga guwardiya, kitang kita sa video na walang guwardiya na nanakit sa kanya. Sa katunayan, kapansin-pansin na professional na ginawa ng mga guwardiya ang kanilang trabaho at maximum tolerance ang pinakita ng mga ito sa nagwawalang dayuhan.

Panoorin ang buong video:

Like Logo on Facebook

Marami ang nagalit sa malisyosong post ni Ricardo Gualis, dahil makikita sa kompletong video na nandoon siya sa nakahintong sasakyan at nasaksihan niya ang nangyari.

Ngunit mas pinili pa rin ni Ricardo Gualis na i-cut ang kanyang video para ipakita lang ang one-sided na kwento kung saan mukhang pinagtutulungan ng mga sekyu ang dayuhan. Halata umano na sinisiraan lamang nito ang Pilipinas kaya nanawagan ang mga netizens na ipadeport si Ricardo Gualis kasama ang lasing na dayuhan.

Narito ang pahayag ng ilang netizens tungkol sa nangyari.

“Honestly the guards were too nice to the foreigner prior to this video… they should have taken him down much earlier.”

“There’s always two sides of the story. This is what we called manipulation of what really happened. He [Ricardo Gualis] ruled out that the foreigner was drunk and unruly at that time and he hit those guard first. The guards actually just let him be until that foreigner tries to go to against other visitors of the mall (the rider with the helmet).”

“This man [Ricardo Gualis] has the clear intention to ruin the reputation of the Filipinos. He should be deported.”

“Just one look at the profile page of the guy who took this video, you would already know that he [Ricardo Gualis] doesn’t have that much love for the Philippines. Lol. No wonder he makes captions such as this.”

“Throw him back to his country! He should be reported to the bureau of immigration so that he will be deported as soon as possible.”

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Buzz

H'wag mo na isipin na baka isipin ng iba na assumera ka. If you feel uneasy, just report it right away!