Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Estudyante, Naglalako ng Isda Para May Pambili Ng Cellphone Sa Online Class

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

A A A

Pagbebenta ng isda ang naisip na paraan ng isang estudyante sa bayan ng Rosario, Cavite para makaipon ng pambili ng cellphone na gagamitin sa online class.

Bunsod ito sa pangangailangan ng mga gadget para sa online learning delivery mode sapagkat ipinagbabawal pa ang physical classes dahil sa patuloy na banta ng Covid-19.

Kinilala ang estudyante bilang si Ella Mae Fernando, isang grade 12 student, na naglalakad ng mahigit isang kilometro para lamang makabenta ng isda.

May lumang cellphone si Ella Mae ngunit nasira ito nang mahulog sa dagat.

Nitong Agosto 24, nagsimula na ang kanilang online class sa isang pribadong paraalan. Nanghihiram lang umano si Ella Mae ng cellphone kung may mahihiraman kaya nahihirapan siyang makahabol sa klase.

“Nahihirapan po ako maghabol ng subject, hindi ko po ma-search ang kailangang i-search, sariling sikap na lang,” ani Ella Mae.

Nasa P5 hanggang P10 ang kinikita ni Ella Mae sa bawat balot ng isda na ipinapalako sa kaniya at nasa P600 pa lang ang kaniyang naiipon.

Hiwalay na ang mga magulang ni Ella Mae at nahihiya umano siya na manghingi ng pera dahil nawalan din ng trabaho ang kaniyang ama simula noong lockdown.

“Sana naman po ‘yung mga taong natulungan ko, maalala nila kami kasi walang wala na po talaga kami,” pakiusap ni Regie Velarde, ama ni Ella Mae.

Aminado si Ella Mae na may mga negatibong komento sa kaniya, pero hindi niya ito pinapansin dahil ang mahalaga niya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Credits: Dennis Datu

“Ang goal ko po talaga makapagtapos kasi gusto ko pag-aralin dalawa ko kapatid,” ani Ella Mae.

Panawagan ni Velarde, sana raw matulungan ang kaniyang mga anak.

”Yang batang po ‘yan top 2 sa school nila. Sana po matulungan ‘yung bata kasi deserving naman, nag-aaral po ‘yan,” saad Velarde.

Dahil sa COVID-19 pandemic, suspendido ang face-to-face classes at isinasagawa ang blended learning methods o magkahalong online at offline learning para maiwasan ang hawaan at pagkalat ng virus.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"

Trending

Para may magamit na smartphone sa online classes ang kaniyang mga anak, naisipan ni Rommel na ibarter ang tatlo niyang alagang manok.