- Pagkatapos ng lockdown, unti unting nagbukas ang mga establisyemento sa China
- Balik eskwela na rin ang mga estudyante sa muling pagbubukas ng mga paaralan.
- Subalit marami umanong mag-aaral ang nahawaan ng Covid-19 sa kabila ng mga pag-iingat.
Sa pagtatapos ng lockdown sa iba’t ibang lungsod sa China, unti-unting nagbukas ang mga negosyo at establisyemento. Kabilang sa binuksan ang mga paaralan.
Upang mapatupad ang social distancing, pinayuhan ang mga magulang na pagsuotin ng sumbrero ang mga anak na may nakakabit na isang metrong haba na tungkod na gawa sa plastic o cardboard. Layunin nito na mapatupad ang isang metrong distansya sa mga mag-aaral. Maliban sa sumbrero, kailangan din magsuot ng face mask ang mga bata.
Kamakailan, ilang netizens na naninirahan sa China ang nagbunyag sa totoong kalagayan ng coronavirus sa China sa kabila ng mga balitang halos wala na umanong panibagong mga kaso ng Covid-19 sa China.
Sa isang video na inupload sa social media, makikita ang ilang netizens na gumawa ng banner na may nakasulat na mga salitang nangangahulugang “Right to Know, Why Cover-Up” at “Injustice! Lost Lives.”
Sa isang banner, may nakasulat din na mga katagangn “Give My Child Back, Give Me The Truth.”
Kwento ng lalaking kumuha ng video, wala umanong binigay na pahayag ang paaralan matapos masawi ang isang mag-aaral.
Kwento ng babae sa video, dumating raw ang mga frontliners lulan sa isang ambulance at nakasuot ng protective clothes sa labas ng pangalawang Middle School sa Pingdingshan City, sa Henan Province. Apat na estudyante di umano ang kinuha na lubos na ikinabahala ng mga nakakita.
Ayon pa sa isang netizen, nagkalagnat umano ang isang bata ngunit sa halip na dalhin ito sa doktor o ipaalam sa mga magulang ang kalagayan ng bata, binukod lang daw ito. Pinagpapaliwanag ng mga magulang ang paaralan tungkol sa nangyari sa kanilang anak, ngunit bigo silang makakuha ng pahayag mula dito.
Matatandaan na unang naitala ang kaso ng Covid-19 sa Wuhan China, na unang nakilala sa tawag na nCoV. Agad na nagkaroon ng lockdown ang mga lungsod kung saan marami ang nahawaan ng virus. Matapos ang ilang buwan, kumalat na ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong nag-positibo.