Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

News

Enviromental Group Nakiusap na Reusable Fabric Masks Gamitin Dahil Dumarami ang Basurang Surgical Masks

Nababahala ang isang environmental group dahil sa nakakaalarmang biglang pagdami ng basurang surgical mask.

A A A
  • Naglahad ng pagkabahala ang grupong Ecowaste Coalition dahil sa pagdami ng disposable surgical masks na umabot na sa dagat
  • Maaari umano makontamina ang ating food supply chain sa darating na panahon
  • Hiling nila sa publiko, gumamit ng reusable fabric masks

Sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, ang face mask ang itinuturing na isa sa mabisang panlaban upang maiwasang mahawa sa nakakakilabot na coronavirus. Dahil dito, kabilang na ang face mask sa pangunahing pangangailangan tuwing lalabas ng bahay lalo na sa new normal ngayon.

Ang problema, para mas maprotektahan ang iyong kalusugan, hindi maaaring paulit-ulit gamitin ang surgical mask. Ang surgical mask ay isang uri ng disposable face mask na nararapat gamitin ng isang beses lamang at kailangan na itong itapon.

Milyon-milyong Filipino ang gumagamit ng disposable surgical mask araw-araw. Milyon-milyong surgical mask din ang nagiging basura pagkatapos gamitin. Kaya naman nababahala ang isang environmental group dahil sa nakakaalarmang biglang pagdami ng basurang surgical mask na natagpuan nila sa isang dalampasigan sa Manila.

Nitong nakaraan, naglabas ng ilang larawan ang EcoWaste Coalition sa nadiskubri nilang mga itinapon na surgical masks sa kahabaan ng Baseco Beach sa Manila. Ayon sa grupo, maaaring magdulot ito ng hindi magandang epekto sa marine life sa ating karagatan.

“This is very concerning as these throw-away masks, which are supposed to protect us and others from the dreaded virus, pose a real threat to aquatic life,” pahayag ng National Coordinator ng grupo na si Aileen Lucero.

Pakiusap ng grupo sa publiko, kung maari sana ay gumamit na lamang ng reusable fabric masks imbes na disposable masks upang maiwasan ang ganitong klaseng basura na maaaring magkontamindo sa ating dagat.

“Over time, discarded masks in the oceans will break down into extremely small particles and may contribute to the microplastic contamination of the food supply chain,” ani Lucero.

Maliban sa face masks, nakakita rin ang grupo ng mga basyo ng rubbing alcohol at hand sanitizers. Nagbabala sila tungkol sa maaaring epekto nito sa ating mga tao.

Hindi man ganun kabisa ang paggamit ng fabric kumpara sa surgical masks, nakakatulong pa rin ito para makaiwas tayo sa virus, nakakatulong ito para pangalagaan natin ang ating kapaligiran, at upang hindi mawalan ng supply ng surgical masks ang ating medical workers at iba pang front liners.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Videos

"Masyado na silang abusado sa mga mahihirap na kagaya namin," emosyonal na sabi ng ginang.

Buzz

Gawa sa 18 carat na ginto at mayroon itong 3,600 na brilyante

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...