Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Silipin Ang Napakalaking Bahay Ni Derek Ramsay Na Mala-Hotel Sa Ganda

Ibinahagi ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ang isang home tour sa kanilang bagong bahay.

A A A
  • Masayang ipinakita ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ang kanilang bagong bahay sa isang home tour video
  • Makikita sa loob ng bahay ang mga paintings at art works ng ilang kilalang Pinoy artists
  • Marami ang humanga sa eleganteng disenyo ng bahay
  • Marami din ang nagulat dahil hindi nila inakala na ganito pala kayaman ang aktor

Sa kanilang bagong Youtube vlog, ibinahagi ni Derek Ramsay kasama ang kanyang kasintahang si Andrea Torres ang isang full house tour sa kanilang bagong bahay na mala-hotel sa ganda.

Ayon kay Derek, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinasilip nila sa kanilang mga tagasunod ang nasabing bahay.

“You will be the first to actually see the entire home. We’ve done a little snippet here and there, in other shows. But we want to share, the entire home, our home, to you. We will go in every corner of this house and share it with all of you,” ayon sa aktor.

Magkasamang ipinakita ng magkasintahan ang bawat kanto ng kanilang apat na palapag na bahay. Mula sa engrande na main entrance, unang bubungad ang napakagandang sala na mistulang lobby ng isang 5-star hotel. Sa labas ng naglalakihang glass door, makikita agad ang mahabang lap pool.

Ipinagmamalaki rin ni Derek ang ilang magagandang artworks sa loob ng bahay na gawa ng mga kilalang lokal na artists tulad nina Dominic Jenon, Jinggoy Buensucesco.

Kahanga-hangang din ang mga kasangkapan ng bahay na talaga naman mamahalin at mistulang “work of art” din.

Panoorin ang video:

Like Logo on Facebook

Kwento ni Derek, pinasadya niyang pagawaan ng karagdagang silid ang bahay para sa kanyang mga magulang dahil gusto nya sa kanila tumira ang mga ito.

“Here in this house gusto namin na dito na tumira ‘yung parents ko so gumawa kami ng Junior master’s bedroom dito po sa baba, you will see it here. They have the best view. They have a view of the garden… I am trying to convince them to live with me,” ani Derek.

Ang nasabing silid umano ang may pinakamagandang view sa buong bahay at hinihikayat niya ang kaniyang mga magulang na tumira sa kanila. Ngunit, tila hindi raw ito sapat para iwanan ng mga magulang niya ang napakagandang view nila sa Tagaytay.

Ilan pa sa mga pinakitang bahagi ng bahay ang guest room, entertainment room, at napakalawak na underground garage kung saan nakapark ang kanyang mga magagarang kotse tulad ng Ferrari.

Panoorin ang ikalawang bahagi:

Like Logo on Facebook

Umani agad ng paghanga mula sa mga netizens ang house tour video na hinati sa dalawang bahagi. May mga nagulat pa nga na ganito raw pala kayaman si Derek Ramsay ngunit napaka-humble lang nito at family-oriented.

“Didn’t know that Derek is very humble, I was surprised he’s very family oriented, what’s most shocking is he says “OPO” like a hundred times from part 1 to part 2. Hopefully they’ll get married, tabloids and other showbiz reporters gave him a bad image, well don’t judge a book by it’s cover,” ani netizen Lee Kichi.

“There are a thousand beautiful houses out there but what impressed me the most is the thought that they invited the parents to live with them, truly a Pinoy culture,” komento ng isang netizen.

Marami rin ang nagkomento ng paghanga kay Andrea Torres dahil napaka-supportive nito kay Derek.

“I like Andrea’s attitude.. Very supportive, simple and humble.”

Isa si Derek Ramsay sa mga pinakasikat na leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman (2011), Ex with Benefits (2015), at A Secret Affair (2012).

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

"This weekend, I’m sharing with you exclusively what my 2nd home is like... Curious ba kayo?"