Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Trending

Salpukan Ng Ambulansya At Truck Kuhang Kuha Ng Dashcam

Kitang-kita sa dash cam ng ambulansya kung paano ito sinalpok ng ten-wheel delivery van.

A A A

Nakakapangilabot ang video footage na kuha sa dash cam ng ambulansya ng LGU Gubat, Sorsogon kung saan kitang-kita kung paano ito sinalpok ng rumaragasang ten-wheeler delivery truck sa Quirino Highway, Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa ulat ng Tagkawayan police, biyahe papuntang Naga City umano ang truck habang galing sa Gubat, Sorsogon ang ambulansiya at magdadala sana ng pasyente sa Maynila.

Tinatahak ng ambulansiya ang Quirino Highway sa Barangay San Vicente, Tagkawayan bandang alas-9 ng umaga ng bigla itong sinalubong ng rumaragasang 10-wheeler wing truck.

Panoorin ang Dashcam video:

Like Logo on Facebook

Sa lakas ng pagkakabangga, nakaladkad ang ambulansiya bago sumalpok ang truck sa isa pang nakaparadang van.

Dead-on the spot ang ambulance driver na si Melchor Escandor, pasyenteng si Jocelyn Esadero, at isang Zander Regalado.

Binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Eleazar Memorial District Hospital sa Tagkawayan ang 12 anyos na sakay rin ng ambulansya. 

Kabilang naman sa mga malubhang nasugatan sina Rose Ann Espineda, Lanie Escandor, at ang 8 anyos na si Nigel Gime.

Nasa kustodiya na ng Tagkawayan MPS ang kaskaserong driver ng truck na taga-Calabanga, Camarines Sur.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang truck driver dahil sa madulas na kalsada, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Batay sa naunang interview bago pa man lumabas ang dashcam video. Nauna nang sinabi ng driver ng truck na siya umano ang sinalubong ng ambulansya.

Mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at damage to properties.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Sinadyang pinamunas muna sa mukha ang package bago duraan.

Trending

"Maganda ka na sana e. Kaso mas inatupag mo pang mag pa-araro sa iba kesa mag aral."

Trending

"If you are a foreigner now in the Philippines you have to be careful, they can throw you on the ground and kick you...

Buzz

"Ganyan talaga pag nasa abroad na. Lumalaki na ang ulo. Ang yabang mo. Sayo na yang 5k mo."