Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Politics

Cynthia Villar Binatikos Sa Panibagong “insensitive” na Komento Laban Sa Health Workers

A A A

Muling umani ng batikos mula sa mga netizen si Senador Cynthia Villar sa panibagong komento nito laban sa mga health workers. Saad ng mga netizens, masyado raw “insensitive” at hindi pinag-isipang maigi ang sinabi ni Villar.

Matatandaan na humingi ng dalawang linggong “time-out” ang mga medical workers dahil sa patuloy na pagtaas ng infection sa metropolis, pero ang sagot ni Villar: “Hindi na siguro. Pagbutihin nila trabaho nila.”

Ang pahayag na ito ni Villar sa isang radio interview ay mabilis na umani ng panibagong batikos sa social media. Sa loob lamang ng ilang oras, umabot na sa mahigit 100,000 tweets na hindi sang-ayon sa komento nya.

Ayon sa tweet ng isang netizen na si @wthhl_, “Ah, oo, si Cynthia Villar – siya rin yung nang insulto sa mga nars, nagtaboy sa mga magsasaka sa kanilang mga lupain, lumapastangan sa mga mananaliksik at siyentipiko, ngayon naman inaatake nya ang ating mga frontliners. Kung mayroon man isang bagay na magaling siya, yun ang pagiging insensitive at walang muwang. Napaka consistent.

“Ah, yes, Cynthia Villar — the same person who insulted nurses, displaced farmers from their lands, disrespected researchers and scientists, and now she’s attacking our frontliners, if there’s one thing she’s good at, that’s being insensitive and out-of-touch. Very consistent.”

Naglahad din ng parehong sentimento si Vice President Leni Robredo, aniya, ang mga public officials na nagbibigay ng ganun ka insensitive na komento ay walang alam sa mga sakripisyo ng ating mga kababayang frontliners.

“Ang nagko-comment na ‘pagbutihin na lang ang trabaho,’ number one very insensitive. Number two, hindi nila alam kung ano iyong sakripisyo ng ating health workers,” ani Robrido

Depensa naman ni Senador Villar, ang tinutukoy raw niya sa komento niya ay ang pamahalaan, kasama na ang Department of Health (DoH) at PhilHealth.

“We have to work harder and better, but I am not referring in particular to the medical workers — our frontliners…”

(Kailangan natin magtrabaho ng mabuti at mas maigi, pero hindi ko tinutukoy yung mga medical workers – ang ating mga frontliners…

Matatandaan na binatikos din si Villar kamakailan sa kanyang pagtutol na taasan ang budget ng Agriculture Department dahil umano sa nakakabaliw na pagkahumaling ng ahensya sa pagsasaliksik. Tinutulan din ni Villar ang pagbibigay ng ayuda sa mga middle-class na pamilya sa gitna ng pandemya.

Nitong nakaraan, nagmungkahi ang mga health workers at medical associations na magkaroon ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine sa Mega Manila simula Agosto 1 hanggang Agosto 15, dulot sa patuloy ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 at magagaping healthcare system.

Ayon kay Dr. Benito Atienza, ang Vice President ng Philippine Medical Association, naglahad raw ang medical community ng mga problema sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kailangan ng agarang tugon sa gitna ng pandemya.

Kabilang na rito ang kakulangan ng manggagawa sa mga hospital, kapalpakan sa contact tracing at mabilisang pagtukoy sa mga kaso ng COVID-19, kaligtasan sa pagsakay ng mga health workers at commuters, kaligtasan sa lugar ng trabaho, at pagsunod ng publiko sa health protocols.

Ayon kay Atienza, wala pa umanong tugon ang IATF kung ano ang desisyon hinggil sa kanilang hiling.

Samantala, sang-ayon naman sina Senate President Tito Sotto at Senador Panfilo Lacson na kailangan seryosohin ng Malacañang ang pakiusap ng medical community sapagka’t ito ay “valid”.

Sa kasalukuyan, lumagpas na sa 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, matapos magtala ng 5,032 panibagong kaso, pinakamataas na bilang sa isang araw.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"