Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Entertainment

Child Star Bugoy Cariño At Volleyball Star EJ Laure Trending Matapos Magpost ng Larawan ng Anak

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko ni Bugoy Cariño ang litrato ng kanilang anak ni EJ Laure.

A A A

Nakakasawa man ang kasabihang “Age doesn’t matter,” muli itong pinatunayan ng dalawang celebrity na hindi nga hadlang sa pag-ibig kahit malayo ang agwat ng edad.

Sa araw ng kanyang kaarawan, buong pusong pinagmamalaki ng dating Hashtags member na si Bugoy Cariño ang larawan ng anak nila ng volleyball star na si EJ Laure.

Mabilis ito nagtrending sa social media dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na pinakita ni Bugoy sa publiko na mayroon silang anak ni EJ.

Naging usap-usapan noong taong 2018 ang balita ng umano’y pagdadalangtao ni EJ. Kasabay nito ang pansamantalang pagtigil niya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang injury.

Pinabulaanan ng magkasintahan ang mga hakahaka noon. Matatandaan na 15-anyos si Bugoy noon at 19-anyos naman si EJ.

“Just to end everything’ wala akong control sa isip nyo kasi may kanya kanya tayo’ god bless na lang.

Ps: december buntis daw ako tapos january buntis din ako tas march buntis na naman? jusko 3months nakong naging buntis so triplets pala to?” pahayag ni EJ Laure.

Matatandaan na natanggal si Bugoy sa It’s Showtime bilang bahagi ng all male group na Hashtags. Isa sa mga dahilan na kumakalat noon ay nakabuntis umano ito na pinabulaanan naman ng 15 anyos na aktor sa magkakahiwalay na mga panayam.

Paliwanag noon ni Bugoy tungkol sa kanyang pagkawala sa noontime show ay dahil busy siya umano sa pagawa ng pelikula.

Ngunit pagkalipas na halos tatlong taon kinumpirma ni Bugoy at EJ ang matagal nang tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

Sa kanyang kaarawan nitong Huwebes, Septembre 3, ibinahagi ni Bugoy sa isang post sa social media ang larawan nila ni EJ kasama ang kanilang anak na babae, may kalakip itong mensahi ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap. Nangako rin ang dating child star na pagsisikapan nyang itaguyod ang kanilang pamilya.

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!! 😘😘😘”

Bumuhos agad ang pagbati mula sa mga netizen para sa aktor, hindi lamang para sa kanyang kaarawan kundi sa kanyang pagiging isang ganap na padre de pamilya.

Mabilis na nagtrending at naging usap-usapan sa social media ang larawan nina Bugoy at EJ. May mga natuwa sa love story ng dalawa at may mga nangungutya naman dahil sa umano’y agwat ng kanilang edad.

Nag-viral din ang isang larawan na inedit ng isang netizen kung saan pinagpalit ang mukha ni Bugoy at EJ.

Si Bugoy Cariño ay unang nakilala sa pagkapanalo niya bilang grand winner ng Star Circle Kid Quest at naging bahagi rin siya ng tv show na Goin’ Bulilit. Naging miyembro din ang aktor sa all-male group na Hashtags.

Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball star player ng University of Sto Tomas golden tigresses.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Entertainment

Sinorpresa rin ni Ivana sa nasabing video ang kapatid na lalaki na binilhan niya ng lupa.

Entertainment

"Kung nagkataon na nagpabaya ako... The end sigurado ako, goodbye Philippines!”

Entertainment

"Pag wala ka ng pera, wala na rin silang paggalang sayo..."