Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Huli Cam

Brgy. Chairman at Treasurer Sa Dasmariñas, Huli sa Zoom Meeting Habang Nagtatalik

Sibak si kap matapos niyang ‘sibakin’ si treasurer.

A A A
  • Isang barangay captain at barangay treasurer sa Dasmariñas, Cavite ang na-hulicam na nagtatalik
  • Ang dapat sana ay zoom meeting para sa Covid-19 ay nauwi sa live show ni kap at treasurer
  • Hindi natuwa ang DILG sa pangyayari at sinisiguro na sisibakin ang kapitan
  • Pareho may asawa ang dalawa, na mag-kumare at kumpare pa

Ang dapat sana ay zoom meeting para labanan ang Covid-19 sa isang barangay sa Dasmarinas Cavite ay nauwi ito sa live show na kinatatampokan ng kanila mismong kagalang galang na barangay chairman at barangay treasurer.

Ayon sa eksklusibong ulat ni Erwin Tulfo, nakatanggap sila ng video na pinadala ng ilang concerned citizen ng Barangay Fatima II sa Dasmariñas Cavite. Kitang kita umano sa nag-leak na video ang malaswang ginagawa at pakikipagtalik ni Barangay Chairman Jesus Estil sa kanyang treasurer.

Tila naging live show umano ito dahil inakala ni Chairman Estil na hindi pa naka-on ang kaniyang video cam kung kaya nagpasya muna itong makipagtalik sa kaniyang treasurer.

Walang kamalay-malay ang dalawa na ready na pala ang zoom meeting at live na ang video cam nito kaya marami ang nakapanood sa kalaswaang ginagawa nila sa loob mismo ng barangay hall. Kitang kita habang dino-doggy ni chairman ang kanyang treasurer na asawa pa man din ng kanyang kumpare.

Matapos kumalat ang video scandal sa barangay, agad nagpakalat ng petition ang mga residente lalo na ang mga nakakatanda.

“Ang petition po namin ay ayaw na po namin siyang manatiling umupo dahil sa karumaldumal na ginagawa nya,” ayon sa isang residente.

“Para sa isang kapitan, ang ginawa nya ay pangit. Nagkakaisa kami na alisin siya bilang barangay chairman,” saad naman ng isang residente.

Hindi naman lahat ng residente payag na paalisin si kapitan dahil meron pa rin iilan na kampi pa rin sa kanilang punong barangay.

“Wala tayong magagawa dun, lalaki yun eh. Okay lang sa akin yun kasi barako yun. May sala sila kaya lang para sa akin proud ako dahil lalaki yun.. barako,” paliwanag ng isang resident.

Ang iba naman ay tikom lang ang bibig sa issue. Pero karamihan sa mga residente ay nagpahayag ng kanilang galit at kagustuhan na palitan ang kanilang lider.

“Syempre po hindi po iyon maganda bilang isang lider sa barangay namin. Dapat po siya po yung.. kumbaga sa tahanan siya po yung ama, siya po yung nagbibigay ng magandang halimbawa sa kanyang mga sinasakupan,” paliwanag naman ng isang residente.

May usap-usapan na aalis na raw si kapitan sa katapusan ng buwan ngunit wala pa umano makakapag-kompirma rito. Pero sinisiguro ng DILG na sisibakin nila si barangay chairman.

Panoorin ang ulat ni Erwin Tulfo:

Like Logo on Facebook

For more trending stories like this, like and follow Joscoop on Facebook and Twitter.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Buzz

H'wag mo na isipin na baka isipin ng iba na assumera ka. If you feel uneasy, just report it right away!

Videos

Hindi inaasahan ng lahat ng kalahok ng bigla na lamang hinawi ni Congressman ang pang-itaas na damit ng babae at sinibasib ng halik ang...