Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Buzz

Biker Na Nagbaba ng Face Mask Para Uminom ng Tubig, Pinagmulta ng 1K

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: “No Facemask”

A A A
  • Isang biker ang hinuli at pinagmulta ng Php1,000 ng mga pulis sa Marikina
  • Ayon sa biker, huminto raw siya saglit at binaba ang mask para uminom ng tubig
  • Walang atubiling hinuli agad siya ng mga pulis at dinala sa headquarters
  • Pinaiwan pa umano sa parke ang kanyang bisiklita

Naglabas ng hinaing sa Facebook ang isang biker matapos umano siyang hulihin at pagmultahin ng 1,000 pesos dahil lamang binaba niya saglit ang face mask para uminom ng tubig.

Sa Facebook post ni Michael Manansala, kinuwento niya kung pano siya hulihin ng mga otoridad. Napagod at nauhaw raw siya sa pagbibisiklita papuntang trabaho, kaya huminto siya saglit para uminom ng tubig. Laking gulat niya umano ng bigla nalamang siyang hulihin ng mga pulis at dinala sa police headquarters.

“Nagpahinga lang ako, binaba ko ang facemask ko para uminom ng tubig dahil ang layo ng bina-bike ko mula Montalban to Mandaluyong para pumasok. Bigla ako hinuli ng mga pulis, pinasakay sa sasakyan at dinala sa headquarters nila,” aniya.

Kwento ni Michael, napilitan umano siyang magbayad ng P1,000 bilang multa at trinato siya na parang isang kriminal. Aniya, hindi raw siya binigyan ng babala at basta na lamang pinasakay sa mobile car. Pinaiwan pa raw sa parke ang kanyang bisiklita.

“Para akong holdaper o rapist na pinicturan pa ako na may hawak na karatula na nakatagilid at nakaharap. Feeling ko sobrang laki ng kaso ko, binaba ko lang facemask ko para uminom pero hinuli agad ako ng walang warning at pinasakay agad ako sa mobile at pinaiwan ‘yung bike ko sa park,” kwento ni Michael.

Mahigpit na pinapatupad ng pamunuang lokal ng Marikina ang City Ordinance #47 na nag-uutos sa publiko na magsuot ng face masks. Ngunit ang apela ni Michael, sana binigyan man lang siya ng kunting konsiderasyon ng otoridad.

“Sana maging patas kayo. ‘Wag kayong gahaman. Sana magtulungan tayo, hindi ‘yung manggugulang ng tao dahil pandemic ngayon. At ‘yung 1k na hiningi n’yo sa akin, mahirap hanapin ‘yan lalo na’t walang-wala kami ngayon dahil sa pandemic. Pang bigas na rin ‘yang 1k na ‘yan,” saad ni Michael.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang sinapit ni Michael. Karamihan sa mga ito ay nakikisimpatya sa kanya. Hindi raw makatarungan at walang konsiderasyon na hulihin agad ang isang taong uhaw dahil lamang binaba nito saglit ang face mask para uminom ng tubig.

Parang di makatwiran yan pinag gagawa nila. Ilagay nila sa ayos ang pagpapatakbo ng batas. Bawal ba ang tanggalin sandali ang facemask para uminom ng tubig???? Paganahin sana ang pag iisip paminsan minsan lang.

Kamangmangan o kawalan nang comsidiration. Iinom lng yung tao hinuli na dahil lng ibinaba ang mask? Try nyo po uminom nang naka face mask, samahan nyo narin nang face shield at barrier ha.

It’s very very wrong na No facemask nakalagay. Eh may facemask nga. Si Howie Severino nga nagba bike uminom ng tubig (Acceptable kasi umiinom) Grabe di ka mamatay sa Covid, mamatay ka sa dehydration. Try nyo kaya unimom ng may facemask. 😓😓😓

Bobo ang nanghuli syo nilagay nya no face mash eh binaba mulang namn..p.i namn talaga oo mga ganyang tao na wlang awa dpt hndi mangyari s knya yan na balang araw magulat nlang sya may darating sa knya n hndi kanais nais…may face mash k namn bkt nilagay nyang wla bobo bsta maka comision lang…

Dapat sa mga pulis e demo nila Kung paano uminom Ng tubig na naka mask. Lalo na ngayon may faceshield pa na suot. mga pulis ipakita nyo nga samin paano uminom ng tubig na naka mask at faceshield narin. 😅😅

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Videos

"Masyado na silang abusado sa mga mahihirap na kagaya namin," emosyonal na sabi ng ginang.

Trending

"Higit sa Tawag ng Tungkulin"

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...