Connect with us

Hi, what are you looking for?

Joscoop

Politics

Bawat Pinoy P83,239 Ang Utang Ngayong Lumubo Sa P9.05 Trillion Ang Utang Ng Gobyerno

Mayroong utang na P83,239 ang bawat Pilipino.

A A A
  • Inilahad ng Bureau of Treasury na umabot na sa P9.05 trillion ang utang ng pamahalaan
  • Ibig sabihin nito, bawat Filipino ay mayroon nang utang na P83,239
  • Sunod sunod ang pag-utang ng gobyerno para matugunan ang pangangailangan kontra COVID-19

Sa ulat ng Inquirer, ngayong umabot na sa P9.05 trillion ang utang ng Pilipinas, ibig sabihin nito bawat Filipino ay kailangan magbayad ng P83,239 bawat isa upang mabayaran agad ang utang.

Sa tantiya, 108.7 million na Filipino ang pumapasan sa utang na ito sa susunod na mga taon. Ayon sa Bureau of Treasury, umutang ang gobyerno mula sa lokal at external na sources. Dahil dito, lumubo ang domestic na utang ng bansa sa P6.19 trillion, kung saan tumaas ito ng 2.6% sa nakalipas na buwan.

Sa ulat ng GMA News Online, ang external na utang ng pinas ay umabot sa P2.864 trillion, kung saan tumaas ito ng 11.3% sa nakalipas na taon.

Nitong nakaraan, nagbigay ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.

Sa kanyang ika-5 na State of the Nation Address (SONA), tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang paksa na may kaugnayan sa COVID-19 efforts ng gobyerno at ang tungkol sa bakuna nito mula China.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 85,486 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Nalagpasan na nito ang naitalang kaso ng China kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang sakit.

Comments

Facebook

Advertisement

You May Also Like

Trending

Hindi pinapansin ni Ella Mae ang mga negatibong komento sa kaniya dahil ang mahalaga aniya ay makapagpatuloy siya sa pag-aaral.

Trending

Dinagsa ng napakaraming tao ang sale ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City Makikita sa mga nagtrending na larawan, siksikan ang...

Buzz

Ang nilagay sa kanyang violation ticket: "No Facemask"